top of page

HOLDING HANDS NINA JANE AT JANELLA SA BLACKPINK CONCERT, APRUB SA NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28, 2023
  • 2 min read

Updated: Mar 29, 2023

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 28, 2023


ree

Kung solb na solb ang mga Blink (tawag sa fans ng BlackPink) sa nakaraang Born Pink concert ng sikat na K-pop girl group na ginanap sa Philippine Arena last Sunday, pinagpipiyestahan naman ngayon at tila gustong mag-celebrate ng mga fans ni Janella Salvador dahil sa holding hands photo ng aktres at ng naging co-star nito sa Darna ng ABS-CBN na si Jane de Leon.


Aba, kagulat-gulat at kamangha-mangha nga naman na makitang ang magkalabang sina Darna at Valentina, ngayon ay mukhang nagmamahalan na at may pa-holding hands pa!


Well, para sa ilang fans ni Janella na nag-comment sa post ng JMDS Lovers - Janella Salvador Facebook page, it's a normal thing between friends.


"Janella found a best friend feels to Jane," sabi ni Can Demit Yaman.


Pero may ilang kina-career ang pagiging Marites at feeling daw nila, may 'something' kina Jane at Janella.


"May something 'to," sabi ng isang Abba Vlog.


"Parang nagmamahal na sila, ah? Magkaibigan pero nagkaibigan," personal namang opinyon ni Noot O. Anah.


Sabi pa ni Joana Marie Esquillo, "Bakit parang naba-vibes ko may something kina Miss J.S. at Miss J.D.... Pero mas bagay na si Ms. J.S. ang tomboy sa kanilang dalawa... bagay naman sila....


Congrats!"


Naku, ha?! 'Wag muna tayong maging judgmental, mga Ka-Bulgar, baka naman sisters by heart lang talaga ang turingan nila! Sisters by heart daw, oh! Why not?!



ree

In fairness, bukod kina Sen. Bong at Cong. Lani, may ilan pa rin namang showbiz couples na tumagal ang pagsasama nang more than two decades or more.


Tulad na lang ng mag-asawang Jan Marini at Gerald Pizzaras na nang makita namin sa CBN Asia's mediacon para sa kanilang Holy Week Special na Tanikala 2023, mukhang happy together and going stronger as ever pa rin.


Sina Jan Marini at Gerald ang bibida sa episode na Kampihan na mapapanood sa Good Friday (April 7), 5:00 PM sa GMA-7 kung saan kasama nila sa istorya sina Barbara Miguel, CJ de Guzman, Neo Rivera, Ellene Cubelo, Carlos Canlas, Aldo Vencilao at Angel Guardian.


Pero bago ang Kampihan, sa Maundy Thursday (April 6) at 5:00 PM, kuwentong pang-mag-asawa naman ang maghahatid ng aral sa Senior Moment na pagbibidahan ng seasoned actors na sina Carla Martinez at Mari Kaimo.


Senior Moment is directed by John Valdes Tan and written by Gina Marissa Tagasa and Icko Gonzalez, while Kampihan is written and directed by Icko Gonzalez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page