ni Ka Ambo @Bistado | Sep. 21, 2024
High tech ang giyera ngayon.
Pinasabog ng mga “pager” at “walkie-talkie” ng mga tao sa Lebanon at Syria.
Marami ang namatay at hindi mabilang ang sugatan.
----$$$--
KABILANG sa biktima ang mga inosenteng sibilyan kasama ang mga paslit.
Isang klase ito ng war crime.
----$$$--
DAPAT sigurong buwagin na ang United Nations dahil tila wala itong silbi at binabastos ng bloke ng mga bansa.
Maging ang China ay binabastos din ang UN dahil hindi nito kinikilala ang desisyon sa West Philippine Sea.
----$$$--
KAAWA-AWA ang mga maliliit at walang malakas na armas na mga bansa.
Dapat palitan ang UN ng isang bagong alyansa ng mga bansa na may kakayahang magpatupad ng regulasyong pandaigdigan.
----$$$---
NAIIPIT ngayon ang Philippine National Police dahil sa isang “tsismis” na ex-PNP chief
ang kasabwat ni Alice Guo.
Nakapagtatakang pinatulan ng Senado ang tsismis.
Diyuskupo, hindi nila alam ang kanilang ginagawa!
----$$$--
HINDI ba’t mas tumpak na pinabura o na-scratch sa record ang naturang tsismis, hangga’t walang ebidensya?
Dapat ay mga balido lang na impormasyon ang tinatanggap ng komite.
Pordarekord, kumbaga.
----$$$--
TAMA si VP Sara, puwedeng gamitin ang mga pandinig para “atakehin” ang sinuman — kahit alegasyon o tsismis lang.
Malinaw na hindi lang ang No. 2 leader ng bansa ang biktima ng in-aid-of-legislation, bagkus maging ang institusyon ng gobyerno tulad ng PNP.
----$$$--
HINDI absolute dapat ang kapangyarihan ng Kongreso sa mga pagdinig.
Dapat ay makahingi ng maayos na opinion o interpretasyon sa Korte Suprema hinggil sa isyung ito.
Wala dapat umaabuso sa Konstitusyon — ehekutibo, lehislatura o hudikatura man.
Tama o mali?
-----$$$--
KAPANSIN-PANSIN ang pagdami ng holdapan at nakawan.
Marami ay hindi na nauulat pa.
Sintomas ito ng isang krisis.
-----$$$--
NAAAWA tayo kay Doctor Willie Ong.
Sinisisi niya ang “bashers” sa pagkakaroon niya ng stress dahil sa pulitika.
----$$$--
MATAGAL na nating ipinapayo, kapag hindi kabisado ang pasikut-sikot sa pulitika, huwag na huwag kang sasali.
Iyan ang mismong mensahe ni Tito Dolphy kaya’t hindi siya kumakandidato.
----$$$--
HINDI po ako doktor, pero ang stress ay hindi nagmumula sa “labas” o kapaligiran.
Ang stress ay lumilitaw, kapag hindi maayos ang trato mo sa sitwasyon na nararanasan --partikular ang bashers.
Normal ang bashers ngayon, ang hindi normal ay ang dibdibin ang mga upak ng mga loko.
----$$$---
ISANG brotherly advice kay Doc Ong, patawarin ang mga nagkakasala sa iyo.
Hindi dapat i-guilty ang sinuman — sa negatibong sitwasyon na nararanasan natin.
----$$$--
MAWAWALA ang stress kapag ikaw ay nagpatawad sa kapwa at makalmante ka habang nabubuhay.
Kapayapaan ng puso at pag-ibig sa kapwa — upang maramdaman natin ang “Langit sa Lupa”. Amen!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Comments