top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Hoffman, Knott at Brown pagpipilian para sa Olympics

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2024
1 min read

ni Clyde Mariano @Sports | March 4, 2024




Nabigo sa qualifying at nakapasok sa semifinals si Lauren Hoffman sa World Indoor Athletics, mapipilitan si Patafa president Agapito “Terry” Capistrano mamili kina Hoffman at kapwa Filipino-Americans Tokyo Olympian Kristina Marie Knott at Robeyn Lauren Brown ang sasama kay Ernest John Obiena sa Paris Olympics na lalarga sa Hulyo.


Ayon sa ruling ng International Athletics Federation, pinapayagan ang mga bansa na kasapi sa IAAF na magpadala isang male at female kong walang nakapasa sa qualifying.

Ang decision at ang pasya ay nasa kamay ni Capistrano kung sino sa tatlong Fil-Ams ang kanyang irerekomenda kasama ni Obiena sa Paris Summer Games.


Ang athletics ang pinaka-primera  at pinakamaraming nanonood sa lahat na sports sa Olympics. Dahil malalakas at world class ang mga kalaban nabigo si Hoffman na makapasok sa semifinals na tumapos na pang-lima sa anim na runners sa kanyang pet event na 400m sa una niyang pagsabak sa World Indoor Athletics sa Glasgow, Scotland.


Tumakbo sa heat 3, naorasan ang 24-years old na Pinay mula Virginia ng 54.66 seconds na napanalunan ni Talitha Diggs ng United States na unang dumating sa finish line kontra sa kanyang limang mga kalaban 52.17 seconds.


Sina Sharlene Mawdsley ng Ireland, Amadine Brossier ng France at Henriette Jaeger ng Norway ay nagtala parehas ng 52.23 seconds at nakapasa sa qualifying kung saan apat na runners bawat heat ang kukunin.


Naiwasan ni Hofmann maging kulelat nang talunin si last placer Tabata Vitorino ng Brazil sa itinalang 57.73 seconds.        


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page