top of page

Hiwalayan nila ni Marco, kalat na… “PATULOY AKONG TATAYO KAHIT ILANG BESES AKONG MADAPA” — CRISTINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 7
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 7, 2025



Photo: Cristine Reyes - IG


Finally, nagsalita na si Cristine Reyes sa status ng kanyang buhay ayon sa post niya sa Instagram (IG) kahapon.


Ipinost ni Cristine ang piktyur ng lapida sa sementeryo ng kanyang Daddy Metring at mga larawang kuha during his wake.


Sa caption ay tila nagpahiwatig si Cristine tungkol sa estado ng kanyang buhay, kasama na d’yan ang estado ng kanyang puso. Usap-usapan pa rin kasi ang nababalitang breakup nila ng boyfriend niyang si Marco Gumabao. But until yesterday ay walang opisyal na pahayag mula sa kanila.


Sey ni Cristine sa caption, patuloy siyang tatayo kahit ilang beses daw siyang madapa.


Narito ang buong caption ni Cristine: “Kahit lubos ang kalupitan ng tadhana sa atin. Pinakita mo sa ‘kin kung paano magpatuloy nang walang kapaitan. 


“Kaya patuloy akong tatayo kahit ilang beses ako madapa. Alam ko nand’yan ka kasama ang Panginoon para akayin ako palagi at hilumin ang mga sugat. Happy 40th day in heaven.”


Marami ang nag-post ng mensahe ng pakikiramay kay Cristine sa comment section.

Condolences, Cristine.


Bilyun-bilyon ang kita, mga korup naman…

JOHN: PALITAN LAHAT NG NAKAUPO SA GOBYERNO


Tumalak ang award-winning actor na si John Arcilla tungkol sa mga pulitiko sa ating bansa sa kanyang post sa X (dating Twitter) kahapon.


Isang mahabang post ang isinulat ni John na naglalaman ng kanyang himutok sa lahat ng opisyal na nahalal sa pamahalaan mula senador hanggang sa pinakamababang puwesto.


Mensahe ni John (as is), “Ang mga senador, kongresista at LAHAT ng OPISYAL mula sa itaas hanggang sa pinakamababa ay PINOPONDOHAN ng MILYON MILYON o BILYON BILYON sa kabuuan, at sinusuweldohan mula sa pera ng bayan galing sa BUWIS ng mamamayan at mga INUTANG ng pamahalaan. 


“Interes ba ng bayan ang pinaglalaban nila? Marami sa aming mga GEN X ang NAGKAMALI sa mga pinili namin na deka-dekada nang NAKAUPO (ang iba ay nandaya pa at hindi kami umiimik) pati pamilya nila na nakapuwesto at yumaman na. UMUNLAD NA BA ANG BAYAN NATIN? HINDI PORKE MATATAAS NA ANG BUILDING AT MADAMING PINANATATAYONG INFRASTRUCTURE AY MAUNLAD NA ANG BAYAN. 


“Sino ba ang kumikita d’yan? Mga negosyante at pulitiko? LIBRENG MATAAS NA KALIDAD NG HOSPITAL para sa LAHAT. LIBRENG PAG-AARAL NA MAAYOS ANG MGA PASILIDAD PARA sa LAHAT. MABABANG PRESYO NG PAMASAHE AT MGA BILIHIN. TRABAHO PARA sa LAHAT at MATAAS NA SUWELDO. MERON NA BA? TUNGKULING RESOLBAHAN ‘YAN NG LAHAT NG NAKAUPO. 


“Umunlad na ba or UMAYOS MAN LANG ang BUHAY ng PAMILYA natin? Ilang dekada na ba silang nakaupo, at ilang BATAS NA BA ANG NAGAWA? NA-SOLVE BA ANG KAHIRAPAN ng BANSA? LALONG LUMULUBOG SA UTANG ANG PILIPINAS PERO SAAN NAPUPUNTA ANG PERA? 

“Hindi na natin kailangan ng REBOLUSYON, civil war o KUDETA (pinagdaanan na natin ang mga ganyan may nabago ba?) REBOLUSYON ng PANSARILING INTERES ng ISIP, PUSO at KALULUWA ang kailangan natin. PANAHON n’yo na MGA GEN-Z at MILLENNIALS.”

Nanawagan pa si John sa mga Gen Z at millennial na palitan na ang mga matagal nang nakaupo at dinastiya sa gobyerno.


Pagpapatuloy ng mensahe niya, “Sa BAWAT darating na BOTOHAN, I’m sure na malinaw na sa inyo ang SOLUSYON. PALITAN N’YO NA ANG LAHAT NG isang dekada nang nakaupo, PALITAN N’YO NA ANG MGA MAGKAKAMAG-ANAK NA NAKAUPO. 


“‘Yun ang layunin ng BOTOHAN, ‘di ba? PALITAN NG MGA BAGO AT MAS MAHUSAY ang mga UNANG UMUPO. HINDI PARA PANATILIHIN SILA SA PUWESTO. Iakyat sa pwesto ang MAHUSAY at EPEKTIBO, tanggalin ang HINDI. Mag-research ng mga BAGO at TAMANG TAO. I’m sure alam ninyo na KAYO, PAMILYA ninyo at ang buong bansa ANG MAKIKINABANG SA GAGAWIN NINYO. Good luck!”


May isang netizen ang umapela sa pahayag ni John na nag-comment sa post niya, “Parang si Kiko Pangilinan ba? Ilang dekada nang senador, may nagbago ba?”

Hindi ito pinalampas ni John at kanyang sinagot.


Reply ni John, “Ilan ba ang katulad ni Kiko na pinapaupo n’yo? ‘Yang katuwiran mo ang isa sa dahilan kung bakit walang nagbabago. LAHAT PALITAN. Ano ang magagawa ng isa o kahit sampung matino? Bilangin mo ang lahat ng opisyal sa buong Pilipinas. At lagyan mo ng LOHIKA o logic ‘yang mga sagot mo. Kung hindi, maniniwala akong troll ka or impluwensiyado ng troll.”


Muling sumagot ang netizen sa reply ni John, “Pero ang description mo from your post fits him, ‘di ba? Alam mo sa sarili mo isa s’ya du’n. Bakit biglang iba s’ya? Palitan lahat means lahat lalo na ‘yung dekada na nakaupo.”


At nagbigay din ng kanyang huling reply si John sa netizen, “Anyway I wish you’re not a troll it is easy to block you anyway. Kung inilalayo mo ‘yung issue na napaka-simple namang intindihin. ‘Pag-initan mo ba naman ‘yung iisa dalawa na lang na nakalusot laban sa almost 90% na dati nang corrupt, ano’ng mababago ng isa o dalawa? Kahit pa matino sila.”


Dinepensahan naman si John ng isang netizen, “Hayaan mo na sila, sir. They have their version of the truth, and no amount of persuasion can make them think otherwise.”

Ang ibang netizens naman ay pinuri si John sa kanyang mga pananaw: 


“What I admire about you Sir, is that from among the few in the industry, you have social and political awareness and strive to always be on the side of history. May others follow your example.”


So, there.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page