Hiwalay na talaga, pero… IBINUKING NI BOY: BEA, GUSTO PANG I-SAVE ANG RELASYON NILA NI DOMINIC
- BULGAR
- Feb 7, 2024
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 7, 2024

Tinapos na ng well-respected TV host-manager na si Boy Abunda ang ilang araw nang gumugulo sa isip ng mga Marites kung totoo nga bang hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda show kahapon sa GMA-7, diretsahang kinumpirma ni Tito Boy na ayon sa kanyang reliable sources, hiwalay na talaga ang engaged celebrity couple na sina Bea at Dominic.
"I was shocked… As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at saka si Bea," pagkumpirma ni Tito Boy na aminadong nalungkot din sa nangyayari ngayon sa ex-couple dahil parehong malapit ang dalawa sa kanyang puso.
Pero good news din ni Tito Boy, nakapag-usap naman na raw sina Bea at Dominic nu'ng isang gabi lang. 'Yun nga lang, wala pa raw siyang balita kung ano ang ending ng pinag-usapan ng dalawa.
"Nu'ng isang gabi lang, nag-usap uli sina Bea at Dominic, they're going through a rough patch," pagse-share pa ni Tito Boy, na ayon daw sa kanyang mga sources.
Basta ang dasal na lang daw niya ngayon para kina Bea at Dominic, "My prayer is that may God grant them what is best for them."
Kinumpirma rin ni Tito Boy na hindi na nga suot ni Bea ang engagement ring na bigay ni Dominic at ang alam daw niya ay isinoli ito ng aktres sa fiancé.
Tungkol sa prenup agreement na lumalabas na dahilan ng tampuhan at hiwalayan, ayon kay Tito Boy, ang alam niya ay si Dominic ang nag-offer nito sa nanay ni Bea kaya wala raw issue ito sa aktor.
Nilinaw din ni Tito Boy ang kumalat na April na dapat ang wedding at sa Tagaytay gagawin pero hindi na nga matutuloy.
Ani Tito Boy, hindi totoong sa April ang kasal dahil ang alam niya ay last quarter ng taon ang balak nina Bea at Dom, at sa Europe nga sana gagawin kung saan nakapag-ocular na ang dalawa.
Pinalagan at ipinagtanggol naman ni Tito Boy si Bea sa mga naninisi sa aktres na ito ang may kasalanan kaya 'di na matutuloy ang kasal kay Dominic.
"Ito ang ayaw ko, sa kuwentong ito, ang may problema si Bea kasi naghiwalay sila ni Gerald (Anderson), ni Zanjoe (Marudo)… to me, napaka-judgmental po nu'n," ani Tito Boy.
Wala raw alam ang mga tao sa totoong problema sa pagitan nina Bea at Dom kaya hindi dapat husgahan ang aktres na ito ang may problema kaya walang tumatagal na relasyon.
"Sa pagkakaalam ko, si Bea, gustong ma-save ang relasyon na 'to. Si Bea wants this to work," ani pa ng TV host.
Pero ipinagtataka naman namin kung bakit ibinalik ni Bea ang engagement ring gayung ang gusto pala niya ay mag-work ang relasyon nila ni Dominic?
Kung nag-usap muna sana bago hinubad at ibinalik ang singsing, baka naman naayos pa, unless ayawan na talaga, 'di ba?
Samantala, dinepensahan din ni Tito Boy si Dominic na inaakusahang "WALANG PERA, HINDI MAYAMAN, HINDI SIKAT at 'DI KARAPAT-DAPAT KAY BEA".
"Cruel," hirit ni Tito Boy sa mga judgmental netizens.
Sa ngayon, ayon pa kay Tito Boy, tanging sina Bea at Dom lang ang nakakaalam kung saan mauuwi ang desisyon nila.
Basta ang sure raw ni Tito Boy, "'Pag nagkaayos sina Bea at Dominic, no wedding is going to happen this year."
Alam na this!!!
After ma-link kay Daniel, mas bumongga ang career, Kathryn… GILLIAN, BIDA NA SA MOVIE

Aba, in fairness, mukhang nakatulong pa ang pagkaka-link ni Gillian Vicencio kay Daniel Padilla dahil ayan, finally, bida na ang Kapamilya young actress sa upcoming slasher/massacre film titled Talahib.
Makakasama rito ni Gillian sina Kristoff Garcia at Joem Bascon mula sa direksiyon ni Alvin Yapan under FEAST Foundation.
Natapos na nilang gawin ang pelikulang ito at hinihintay na lamang ang release sa mga sinehan.
And yes, ina-eye rin ng mga producers na mai-submit ito sa mga international filmfest dahil bukod sa mahuhusay ang mga artista ay talagang mabusisi rin daw ang pagkakalikha ng pelikula.
Kuwento nga ni Gillian, natuwa siya noong sinabi na siya ay kinukuha para sa Talahib dahil ang director nila rito ay nag-direct na rin ng Culion at Oro at madalas ay napapabilang ang mga gawa nito sa iba't ibang award-giving bodies tulad ng Carlos Palanca Awards, Cairo International Film Festival, Chicago International Film Fest at maging sa Gawad Urian.
Well, hindi naman siguro nagkamali ang mga producers ng Talahib sa pagbibigay ng big break kay Gillian dahil hindi na ito baguhang aktres.
For our readers' info lang, first movie pa lang ni Gillian, nabigyan na siya ng magandang role sa Eerie na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Charo Santos.
Agad din naman itong nasundan ng another horror film na Hellcome Home kasama sina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing at Beauty Gonzalez.
Pero biggest break ni Gillian nang gumanap siyang Alex sa Four Sisters Before The Wedding na unang ginampanan ni Angel Locsin sa movie version na Four Sisters and a Wedding.
Mas minahal naman at mas nakilala si Gillian Vicencio sa seryeng 2 Good To Be True kung saan gumanap siyang boyish friend as Tox with Matt Evans and Yves Flores, na mga BFF ng character ni Daniel Padilla as Eloy.
Dito mas napansin si Gillian dahil sa kakaibang pagganap at dahil nakitaan din ng kilig ang tambalan nila ni Yves Flores (as Red) kaya nabuo ang RETOX.
Matapos ang serye, nasundan ang proyekto nilang dalawa ng Retox 2 Be Continued na inabangan din ng mga fans nila.
At hindi lang sa TV at movies sinuwerte si Gillian dahil isa na rin siya sa mga endorsers ng Beautederm na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, which means sikat na talaga siya para mapasama sa mga A-listers na endorsers ni Ma'm Rei.
So, bongga ang career ni Gillian ngayong 2024, ha?!




Comments