top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit sa LRT, maayos na serbisyo muna bago taas-pasahe

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21, 2023
  • 1 min read

@Editorial | June 21, 2023

Simula Agosto 2, asahan na ang pagtataas sa pasahe sa Light Rail Transit (LRT) 1 at 2.


Ayon sa Department of Transportation (DOTr), inaprubahan ito matapos ang pulong sa Malacañang. Matatandaang pinigil ni Pangulong Bongbong Marcos noong Abril ang fare hike para umano mabawasan ang epekto ng inflation. Pero ngayong gumaganda na raw ang sitwasyon, inilarga na ang taas-pasahe.


Kaya huwag nang magulat kung ang magiging minimum na boarding fee ng dalawang rail network ay tataas sa P13.29 mula sa dating P11, at P1.21 dagdag sa kada kilometrong biyahe mula sa dating piso.


Kamot-ulo na lang ang mga komyuter, dahil wala namang magagawa lalo’t kung ito lang ang mas mabilis na masasakyan papuntang trabaho.


Pero, ‘di ba puwedeng bago magtaas ng pasahe ay maramdaman muna ng mga pasahero ang magandang serbisyo at pasilidad ng tren?


Bilang privately-owned company ang operator ng LRT 1, ‘di ba dapat itong mamuhunan para mapaganda ang serbisyo ng kanilang train system? Habang ang LRT-2 naman ay dapat makita ng taumbayan na hindi nasasayang ang inilalaan na bilyong pondo mula sa gobyerno.


Kung hindi man mapigilan ang taas-pasahe, sana ay mapabilis man lang ang pag-aayos sa serbisyo at pasilidad.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page