top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Hirit sa Kongreso.. Budget na tinapyas sa SUCs, ibalik

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 25, 2023
1 min read

ni BRT @News | September 25, 2023




Nasa 36 na State Universities and Colleges (SUCs) ang nananawagan sa Kongreso na ibalik ang kanilang pondo matapos ang P6.155 bilyong kaltas sa panukalang budget

para sa 2024.


Ayon sa Kabataan Partylist, 30 state schools ang nahaharap sa budget cuts sa susunod na taon batay sa 2024 National Expenditure Program, ang batayan para sa General Appropriations bill.


Itinuro ng mga opisyal ng paaralan na ang karamihan sa mga pagbawas ay makaaapekto sa paggasta para sa mga pasilidad, kagamitan, at iba pang pamumuhunan na magsisilbi sa mga institusyong ito nang mas mahaba kaysa sa susunod na fiscal year.


Ang mga pagbawas, anila, ay ginawa sa kabila ng tumataas na budget para sa free higher education program, dagdag pa rito, nangangahulugan ito na inaasahan ng gobyerno ang pagtaas ng enrollment.


Kaya naman, ayon sa SUCs, kailangan ng dagdag-budget para sa mga learning institutions upang mabawi ang kanilang public character at magbigay ng sapat na suporta para sa mga serbisyo ng mag-aaral at faculty development.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page