top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hirit sa gov't agencies, lahat ng puwedeng makabawas sa gastos at abala, gawin na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2023
  • 1 min read

@Editorial | April 18, 2023



Magandang balita ang hindi na oobligahin ng Land Transportation Office (LTO) na sumalang sa karagdagang medical examinations ang mga may driver’s license na may bisang lima at sampung taon.


Ito ay kasunod ng pag-amyenda sa LTO Memorandum Circular 2021-2285 o ang Supplemental Implementing Rules and Regulations of Republic Act 10930.


Sa ilalim kasi ng nasabing memorandum, bukod sa regular na medical exam bilang requirement sa aplikasyon ng bago o renewal ng driver’s license, obligado na sumalang sa periodic medical exam (PME) ang nabigyan ng 5-taon at 10-taong validity o bisa ng lisensya ng pagmamaneho.


At dahil sa pag-amyenda, minabuti ng ahensya na hindi na obligahin ang periodic medical examination batay na rin sa ginawang pag-aaral, mga nakalap na datos at mga konsultasyon.


Kaya isang beses na lang ang mandatory medical examination at ito ay tuwing bago makakuha o makapag-renew ng driver’s license. Ibig sabihin, bawas-gastos at iwas-abala na.


Umaasa tayo na lahat ng government agencies ay makaisip din ng paraan kung paano mas mapapabilis ang mga transaksyon at serbisyo sa publiko. Makagawa sana ng paraan para makapagbigay ng ginhawa sa taumbayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page