top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hirit ni Pacman, boboto sa magnanakaw ang tunay na ‘bobo'

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 6, 2022



HIRIT NI PACMAN, HINDI MAHINA ANG KANYANG UTAK, BAGKUS ANG ENGOT AY ‘YUNG MGA BOBOTO SA MAGNANAKAW–Dinepensahan ni presidential candidate, Sen. Manny Pacquiao ang kanyang sarili sa mga nagsasabing mahina ang kanyang utak.

Aniya, hindi r mahina ang kanyang utak — hindi siya bobo, at ang tunay na ‘bobo’ ay ‘yung mga boboto sa mga magnanakaw.


May punto si Pacman kasi engot lang ang botante na boboto sa kandidato na alam naman niyang magnanakaw, boom!


◘◘◘


KAPAG MAGNANAKAW, PLUNDERER AT SUGAROL ANG I-ENDORSO NG SIMBAHAN, BAD ‘YAN!–Walang masama kung i-endorso ng simbahan ang tambalang Leni Robredo-Kiko Pangilinan kasi pareho silang walang bahid ng korupsiyon at walang bisyo.


Ang masama ay kung ang i-endorso ng simbahan ay mga kandidatong magnanakaw, plunderer, sugarol at nambubulsa ng campaign funds, na imbes ipantulong sa mahihirap na Pilipino, ang sobrang campaign funds ay sinasarili o ibinubulsa nito, boom!


◘◘◘


SA DAVAO CITY NA LANG MAGTAYO NG NUCLEAR PLANT, AYAW KASI NG MGA TAGA-BATAAN PAGANAHIN ANG BATAAN NUCLEAR PLANT–Nabuhay na naman ang isyung Bataan Nuclear Plant dahil nagpalabas ng executive order si P-Duterte na pag-aralan na paano ito io-operate.


Tutol ang mga taga-Bataan na i-operate ito sa kanilang lalawigan sa pangambang kapag nagkaroon ng lindol at nagkaaberya ay magdulot ito ng panganib sa kanilang buhay.


Ngayon, kung gusto talaga ni P-Duterte na mag-operate ang nuclear plant, huwag ‘yung Bataan Nuclear Plant ang ipa-operate niya, bagkus ay maglaan siya ng bagong pondo at sa Davao City niya ito itayo at paganahin, ewan na lang kung papabor d’yan ang mga taga-Davao City, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page