Hirit ni P-Du30 na friends sila ni Putin, fake news?!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 7, 2022
DAHIL SA KUPAD MAGDESISYON NG COMELEC, NA-ENDORSO NA TULOY NG ILANG PDP-LABAN MEMBERS ANG KANDIDATURA NI VP LENI – Tatlong araw bago ang eleksyon sa May 9, 2022 ay naglabas ng desisyon ang Comelec na nagdedeklara na ang paksyon sa PDP-Laban ni Energy Sec. Alfonso Cusi ang kinikilala nilang lehitimong political party, at hindi ang paksyon sa PDP-Laban ni Sen. Koko Pimentel.
Bagama't nakapaglabas na ng desisyon ang Comelec, ay huli na ito, kasi dahil sa kupad nilang magdesisyon ay na-endorso na ng ibang PDP-Laban members ang kandidatura ni presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo, period!
◘◘◘
BINAON NI P-DUTERTE SA UTANG ANG PILIPINAS – Higit isang buwan bago bumaba sa puwesto si P-Duterte bilang pangulo ng bansa ay pumalo na sa higit P12.68 trillion ang utang ng Pilipinas.
Ibig sabihin, trilyun-trilyong piso ang iiwan ng Duterte gov't., na ang utang na ito ay mga Pinoy taxpayers ang magkakandakuba sa pagbayad.
Tapos, 'yung mga bobo-tante, gusto pang iboto ang anak ni P-Duterte na si Mayor Sara Duterte, gusto pa nilang maging bise presidente ito ng bansa, mga pwe!
◘◘◘
FAKE NEWS PALA SINABI NI P-DUTERTE NA FRIEND NIYA SI PUTIN – Sabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, kapag kumampi raw ang United States (US) sa Ukraine laban sa Russia at lumala ang giyera, ay ipapagamit daw ni P-Duterte sa puwersa ng Amerika ang mga pasilidad ng Pilipinas.
Kung ganun, fake news lang pala ang sinabi ni P-Duterte na friend niya si Russian Pres. Vladimir Putin, kasi hindi pala sa Russia kakampi ang Duterte gov't. kapag lumala ang giyera, kundi sa Amerika pala ito kakampi, boom!





Comments