Hirit ni P-Digong na magkakabakuna sa December 2020, boladas lang talaga!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 21, 2021
RET. GEN. GALVEZ, TAKLESA RIN PALA—Sinegundahan na ni Vaccine czar, ret. Gen. Carlito Galvez ang pananaray ni Presidential spokesman Harry Roque sa publiko na huwag maging choosy sa bakunang ipantuturok ng Duterte gov’t. sa mga Pinoy.
Dahil nag-ala-Harry Roque na rin si Galvez sa pagsasabing huwag choosy sa bakuna ang mga Pinoy, eh, nalaman ngayon ng publiko na ang retired general ay taklesa rin pala, boom!
◘◘◘
FAKE NEWS PALA ANG SINABI NI P-DUTERTE NA MAGKAKABAKUNA NA SA DEC. 2020—Ang sabi ni P-Duterte noon ay magkakaroon na raw ng bakuna ang Pilipinas sa December 2020 at magiging dahilan ito para manumbalik sa normal ang pamumuhay ng mga Pinoy.
Ang sinabing ‘yan ni P-Duterte sa publiko ay fake news pala kasi Pebrero 2021 na pero wala pa ring bakuna ang Pilipinas, buwisit!
◘◘◘
BAKUNANG SINOPHARM NA GAWANG CHINA, WALANG TALAB?—Dalawang OFWs (Overseas Filipino Workers) na kapwa nabakunahan na ng made-in-China na Sinopharm sa China at UAE (United Arab Emirates) ang parehong nagpositibo sa COVID-19 nang i-swab test sila pagkauwi nila sa Cebu.
Kung ganun, wala palang talab na pangontra sa virus ang bakunang ‘yan, nakupo!
◘◘◘
SABLAY ANG REKOMENDASYONG MGCQ NG METRO MANILA MAYORS—Isinailalim sa 14-days lockdown ang 13 barangay sa Pasay City dahil sa pagtaas na naman ng bilang ng mga tinamaan ng virus sa lungsod na ito.
Patunay ‘yan na palpak ang rekomendasyon ng Metro Manila Mayor’s Council (MMMC) na isailalim na sa MGCQ (Modified General Community Quarantine) ang Metro Manila kasi kung sa GCQ (General Community Quarantine) ay marami pa ring tinatamaan ng virus, lalo na kapag nag-MGCQ na ang Kalakyang Maynila, period!





Comments