top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hirit ni P-Digong na hate niya ang korupsiyon, tinarayan lang ng madlang pipol!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 30, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 30, 2020



POLITICAL DYNASTY, ZERO INTEL FUNDS SA MGA PULITIKO AT PORK BARREL PROJECTS, TIGILAN NA!—Kung talagang hate ni P-Duterte ang korupsiyon, ipa-urgent bill niya sa Kongreso na wakasan na ang political dynasty, zero intelligence fund sa mga pulitiko, law enforcement agency na lang ang bibigyan ng intel fund at pagbawalan ang mga kongresista na magsingit ng mga pork barrel projects sa national budget.

Kapag lahat ‘yan ay nagawa ni P-Duterte, aba, ‘yan ang pinakamagandang legacy na iiwan niya sa sambayanang Pilipino, period!

◘◘◘

MARAMING NAPATAAS ANG KILAY SA HIRIT NI P-DUTERTE NA HATE NIYA ANG KORUPSIYON—Marami na naman ang napataas ang kilay sa sinabi ni P-Duterte na sobrang hate niya ang korupsiyon kaya’t inutuan na niya ang Department of Justice na imbestigahan ang katiwalian sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan

Paano maniniwala ang taumbayan, eh, ayaw naman niyang sibakin? Sa halip, siya pa ang nagtatanggol sa mga head ng mga departmamento ng pamahalaan na tadtad ang korupsiyon, boom!

◘◘◘

KUNG MAY DELICADEZA, MAG-RESIGN NA SA PUWESTO ANG MGA OPISYAL NG PACC—Itinatag ni P-Duterte ang PACC (Presidential Anti-Corruption Commission) para labanan ang korupsiyon, pero bigo ito (PACC) kaya’t ang inutusan na ng pangulo na ang mag-imbestiga sa mga buwaya sa gobyerno ay ang DOJ.

Kaya’t kung may delicadeza pa ang mga opisyal ng PACC, dapat mag-resign na sila sa puwesto, tila wala nang tiwala sa kanila ang pangulo kaya’t ang DOJ na ang inatasan nitong mag-imbestiga sa mga korup, period!

◘◘◘

KAILAN ISASAPUBLIKO NI P-DUTERTE AT MGA CONG. ANG KANILANG SALN?—Matapos ihayag ni Vice-Pres. Leni Robredo na open sa publiko ang kanyang SALN, kusang isinapubliko na rin ng mga senador ang nilalaman ng kanilang SALN para ipakita sa mamamayan na wala silang tagong-yaman.


Kailan kaya ilalantad sa publiko ni P-Duterte at mga kongresista ang kanilang SALN?


‘Ika nga, kung walang itinatago, walang dapat ikatakot, dapat ilantad na rin nila sa publiko ang kanilang SALN, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page