top of page
Search
  • BULGAR

Hirit ni Miss U Phils. 2020 Rabiya Mateo na ‘best president we never had’ si Miriam Santiago...

Malaking sampal sa mga DDS

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 27, 2020



MGA CELEB, HINDI NAGPASINDAK KAY GEN. PARLADE—Ayon kina Angel Locsin at Liza Soberano, walang makakapigil sa kanila na magsalita tungkol sa karapatan ng kababaihan at iba pang isyu sa lipunan.


Tila sasakit ang ulo ni Gen. Antonio Parlade, SolCom (Southern Luzon Command) chief/ spokesman ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Amed Conflict kina Angel, Catriona at Liza dahil sa tema ng kanilang salita, hindi sila nasisindak sa heneral, period!


◘◘◘


SEC. LORENZANA, TIKLOP KAY PARLADE—Hindi nagustuhan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang mga pananakot, pagbabanta at pag-red-tagged ni Gen. Parlade sa mga celebrity kaya ipinatawag nito sa kanyang opisina ang heneral.


Nang matapos mag-usap, ang sabi ni Parlade ay napaliwanagan niya si Lorenzana at ang utos sa kanya ay ituloy lang kanyang ginagawa.


Akala ng publiko, patitiklupin ni Lorenzana si Parlade, pero lumalabas na tila ang defense secretary ang tumiklop sa heneral, boom!


◘◘◘


INI-ENJOY NI PARLADE PAGIGING TAKLESANG HENERAL—Matapos atakehin ang mga artista, sabihan si Yorme Isko Moreno na wini-welcome nito sa Maynila ang mga terorista dahil pinatanggal ng alkalde ang anti-Communist tarpaulin ay panay ang atake ni Gen. Parlade sa mga militanteng kongresista at tinawag pang “Kamatayan Block” ang Makabayan block sa Kongreso.


Talagang ini-enjoy at kinakarir na ni Parlade ang pagiging taklesang heneral, ha-ha-ha!


◘◘◘


SAKIT SA DAMDAMIN NG MGA DDS SA SINABI NI RABIYA MATEO NA “BEST PRESIDENT WE NEVER HAD” SI MIRIAM SANTIAGO—Isa sa nagpanalo kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ay ang linya nitong... “She (Sen. Miriam Santiago) was the best president we never had” bilang paghanga niya sa yumaong senador.


Sakit sa damdamin ng mga DDS sinabing ‘yan ni Rabiya kasi tila naghahanap pa ito ng best president, eh, para sa mga DDS, si P-Duterte na ang pinaka-da best na pangulo sa buong mundo, period!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page