Hirit ni Marcoleta, pinalagan... Minority bloc, nag-walkout
- BULGAR

- 11 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 27, 2026

Photo: Robin Padila - Senate PH
Nag-walkout kahapon ang Minority senators habang nasa plenary session matapos igiit ng mayorya ang pagtalakay sa pag-amyenda ng rules tungkol sa electronic voting.
"Mali ‘yung rules, mali ang proseso. Wala pa ngang debate sa substance hindi sila sumusunod sa proseso," wika ni Sen. Risa Hontiveros habang papalabas ng plenary hall.
“Actually, ang teleconferencing ay ginagawa lang kung may pandemya. Wala naman ngayong pandemya, bakit natin babaguhin?” wika naman ni Sen. Win Gatchalian.
Nauna rito, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Hontiveros at Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng mosyon na payagan ang isang senador na lumahok sa mga sesyon sa pamamagitan ng electronic voting.
Kabilang pa sa 11 miyembro ng minorya sina Senate Minority leader Tito Sotto III, Sens. Migz Zubiri, Loren Legarda, Ping Lacson, Bam Aquino, JV Ejercito, Kiko Pangilinan, Raffy Tulfo at Erwin Tulfo.
Samantala, nauna nang umuwi si Sen. Lito Lapid matapos ang kanyang talumpati para ipaliwanag ang kanyang pananatili sa minorya.





Comments