top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hirit ni Isko, 'pag siya naging pangulo wala nang away sa pulitika, pero siya 'tong palaaway?!

BULGAR
Apr 27, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 27, 2022


RAFFY TULFO, AYAW NG PUBLICUS MAG-NUMBER 1 SA PAGKA-SENADOR? – Kapag naglabas ng survey ang SWS, Pulse Asia at OCTA patungkol sa mga kandidato sa pagka-senador ay laging top si journalist Raffy Tulfo, pero kapag ang Publicus Asia ang naglabas, hindi nagta-top si Tulfo, at sa latest survey results nito ay rank number 5 lang ang mediaman.


Tila yata hindi kursunada ng Publicus Asia na mag-top sa pagka-senador si Raffy Tulfo kaya kinokontra nito ang mga resulta ng survey ng SWS, Pulse Asia at OCTA, boom!


◘◘◘


GUSTONG IBOTO NG MGA BOBO-TANTE, MGA TRAPO, PLUNDERER, DYNASTY AT EX-CONVICT – Kadalasang sa mga survey ay pasok sa top 12 sa pagka-senador ang mga kandidatong trapo, plunderer, dynasty at ex-convict, at laglag naman ang mga senatoriables na may mga magandang track record sa public service.


Kung ang gagawing pamantayan ng mga botante sa pagboto ay ang inilalabas na survey ng mga survey firms ay nakalulungkot isipin na wala ng mangyayari sa Pilipinas, pabagsak na talaga ang ‘Pinas kasi ang gustong gawing senador ng mga tinaguriang "bobo-tante" ay mga kandidatong trapo, plunderer, dynasty at ex-convict, tsk!


◘◘◘


KAPAG SI ELEAZAR NAGING GUEST CANDIDATE NG LENI-KIKO BAKA TUMAGILID SI MIGS ZUBIRI – Si re-electionist Sen. Migs Zubiri ay kasama dati bilang guest candidate ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem at dahil deklarado na ang senador na nakasuporta siya sa kandidatura ng BBM-Sara (Bongbong Marcos-Sara Duterte) tandem ay awtomatik na tanggal na ito (Zubiri) sa senatorial line-up ng Leni-Kiko, at dahil d'yan ay may mga nananawagan na si ret. PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang ipalit kay Zubiri at gawing guest candidate ng tropang Kakampink.


Naku, kapag nangyari 'yan ay baka sa araw ng eleksyon, talunin ni Eleazar si Zubiri sa pagka-senador, abangan!


◘◘◘


SABI NI ISKO SIYA RAW IBOTO PARA MATIGIL NA AWAY SA PULITIKA, GAYU'NG ANG TOTOO 'PALAAWAY' DIN SIYA AT MADALAS NIYANG 'AWAYIN' SI VP LENI – Sa bagong political ad ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno ay iginiit nito na siya ang iboto sa pagka-presidente para raw matigil na ang awayan sa pulitika, na hindi man niya pinangalanan, ay ang malinaw na tinutumbok niya rito ay ang bangayan ng red at yellow (Kakampink).


Imbes paniwalaan, ay pinagtawanan ng publiko ang bagong political ad ni Isko kasi ‘ika niya, siya raw ang iboto para matigil na ang away sa pulitika, na kabaligtaran sa ginagawa niya ngayon na sunud-sunod na "pang-aaway" kay presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page