top of page
Search
  • BULGAR

Hirit ni Abalos, crime rate sa panahon ng Marcos admin, mas mababa kaysa Duterte admin

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 29, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


ASAHAN NA NI SEC. ABALOS NA PATI SIYA AATAKEHIN NI EX-P-DUTERTE DAHIL SA SINABI NIYANG MAS MABABA ANG CRIME RATE SA MARCOS ADMIN KAYSA DUTERTE ADMIN -- Inanunsyo ni Sec. Benhur Abalos ng Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) na mas mababa raw ang crime rate ngayong panahon ng Marcos administration kaysa sa panahon ng Duterte administration.


Naku, tiyak ikakagalit ni ex-P-Duterte ang statement na ‘yan ni Sec. Abalos, at dahil diyan ay asahan nang sa susunod na pag-atakeng gagawin ng ex-president ay hindi lang si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang aatakehin nito, kundi pati ang DILG sec., abangan!


XXX


KAPAG HINDI ISINURENDER ANG KANYANG MGA ARMAS, MAHAHARAP SI QUIBOLOY SA KASONG 19-COUNTS NG ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS AND AMMUNITIONS -- Inaprub na ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil ang rekomendasyon ng PNP-Firearms and Explosives Office (FEO) na pag-revoke sa lisensya ng 19 baril ni Pastor Apollo Quiboloy.


Kaya kapag hindi isinurender ni Quiboloy ang kanyang mga armas na ngayon ay ilegal na,  bukod sa mga kasong child sexual abuse at child sex trafficking, asahan na niyang madaragdagan pa ang kanyang mga kaso, at ito ay ang 19-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions, period!


XXX


STL-CON JUETENG, ONLINE SABONG AT POGO MAS NAGING TALAMAK SA PANAHON NI PBBM -- Sa panahon ng Duterte admin nag-umpisang lumaganap ang STL-con jueteng, online sabong at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), at ang akala ng publiko na sa panahon ng Marcos admin ay matitigil na ang mga ganitong uri ng raket.


Pero ang masaklap ay sa panahon ng Marcos admin, mas lalo pang lumaganap at naging talamak ang mga ganitong uri ng illegal gambling sa bansa, boom!


XXX


BAKA LEGAL NA STL SA LAGUNA, MAGSARA DAHIL SA STL-CON JUETENG NI ‘TOCE’ AT PROTEKTOR NITONG SI ‘TSAN PARAK’ -- Patuloy daw ang pagkalugi ng mga operator ng mga legal na Small Town-Lottery (STL) sa Laguna dahil sa kagagawan nina alyas “Toce” at “Tsan Parak.”


Nag-operate din daw kasi ng ilegal na STL-con jueteng si “Toce” para kumpetensyahin ang legal na STL, at ang tumatayong protektor daw ng raket ng gambling lord na ito ay si “Tsan Parak.”


Kapag walang ginawang aksyon sina PNP-Region 4-A director, Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas at Laguna PNP Director, Col. Gauvin Unos para ipa-“tokhang” sina “Toce” at “Tsan Parak” ay malamang tuluyan nang magsara ang mga legal na STL sa Laguna dahil sa pagkalugi, tsk!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page