top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Hirit ng mga tsuper... P2 taas-pasahe

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | July 21, 2026



MANIBELA

Photo: File / MANIBELA / FB



Nanawagan ang mga transport group ng P2 dagdag-pasahe at nagbabalang magsasagawa ng nationwide transport strike kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.


Ayon kay MANIBELA Chairperson Mar Valbuena, hindi na sapat ang P1 fare increase dahil hindi pa nakakabawi ang mga tsuper sa kanilang pagkalugi.


“At least sana P2 kasi nga 'yung losses pa namin noong Marso hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakaka-recover dito,” ani Valbuena.


Sinabi rin ni ACTO President Libay de Luna na makadaragdag ng humigit-kumulang P150 hanggang P200 sa arawang kita ng mga tsuper ang fare hike.


Nagbabala rin sina Valbuena at De Luna na maaari silang magsagawa ng transport strike kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo. 


Tinatayang 100,000 tsuper at operator ang inaasahang lalahok, habang nakatakdang makipagpulong ang MANIBELA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Hulyo 21 upang talakayin ang panukalang dagdag-pasahe.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page