top of page

Hirit ng mga Loyalista at DDS, gawan ng pelikula ang affair nina Arnold Clavio at Sarah Balabagan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 11, 2022


ISYUNG PAMBUBUNTIS NI ARNOLD CLAVIO KAY SARAH BALABAGAN, BINUHAY NG MGA LOYALISTA AT DDS—Hanggang ngayon ay pinuputakti ng pamba-bash ng mga Marcos loyalists at DDS si Arnold Clavio dahil sa isinulat nito sa kanyang kolum na hindi umano makatotohanan at mali ang tema ng pelikulang "Maid in Malacanang" na dinerek ni Darryl Yap sa tunay na naganap sa EDSA People Power noong 1986.


Sa tindi ng galit ng Marcos loyalists at DDS kay Clavio, binuhay ng mga ito ang isyung binuntis ng broadcast-journalist si Sarah Balabagan.


◘◘◘


AYON SA MGA LOYALISTA AT DDS, WALANG 'K' UMATAKE SI CLAVIO KASI BAD ANG PAGKATAO NITO—Ang tindi ng atake ng Marcos loyalists at DDS kay Clavio na kesyo wala raw itong "K" pumuna sa "Maid in Malacanang" dahil bad din naman ang pagkatao ng broadcast-journalist kasi menor-de-edad o 17-anyos pa lang noon si Sarah nang ligawan at buntisin umano ni 'Igan.


Tila sablay ang ginawang pag-atake ni Clavio sa "Maid in Malacanang" kasi may pangresbak sa kanya.


◘◘◘


YARI SI 'IGAN KAPAG GUMAWA SI DARRYL YAP NG PELIKULANG CLAVIO-BALABAGAN AFFAIR—Bagama't naisapelikula na ang talambuhay ni Sarah Balabagan noon ay may hiling ngayon ang mga loyalista at DDS kay Darryl Yap na sana ay gumawa ito ng pelikula tungkol sa naging buhay at kapalaran ng dating OFW noong menor-de-edad pa ito sa kamay ni Clavio.


Nakupo, kapag nakumbinse ng mga loyalista at DDS si Yap na gawan ng pelikula ang naging affair ni Clavio kay Sara, tiyak na wasak si 'Igan.


◘◘◘


MAY IBUBUGA NAMAN PALA SI SEN. PADILLA BILANG SENADOR—Nagsulong si Sen. Robin Padilla ng panukalang batas na ang mga contractual at JO workers ng pamahalaan na limang taon ng nagtatrabaho sa gobyerno ay dapat gawing regular workers.


Aba, may ibubuga naman pala si Sen. Padilla bilang senador kasi sa totoo lang, good ang panukalang-batas niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page