top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hirit ng mga kandidatong talunan, dinaya raw sila, ngek!

BULGAR
May 11, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 11, 2022


HINDI NA MAPIPIGILAN ANG PAGBABALIK SA MALACAÑANG NG PAMILYA MARCOS – Ibinasura ng Comelec ang motion for reconsideration ng apat na kasong disqualification laban kay presidential candidate frontrunner Bongbong Marcos.


Dahil ni-reject na nga ng Comelec ang mga kasong ito, hindi na talaga mapipigilan ang pagbabalik sa Malacañang ng pamilya Marcos, period!


◘◘◘


DAPAT HINDI PINAYAGAN NG COMELEC NA KUMANDIDATO SA PAGKA-PRESIDENTE SI LEODY DE GUZMAN – Nag-concede na si Partido Lakas ng Masa (PLM), presidential bet Leody de Guzman sa kanyang pagkatalo sa presidential election.


Aba'y dapat lang, kasi sa totoo lang ay dapat hindi na siya tumakbo sa pagka-presidente dahil mantakin n'yo, milyun-milyong boto na ang nakuha ng mga katunggali niya sa presidential election, tapos si De Guzman ay higit 91K votes lang ang nakuhang boto.


Sa totoo lang, hindi siya dapat pinayagan ng Comelec na kumandidato kasi maituturing siyang isang nuisance candidate, boom!


◘◘◘


SA JULY 1, 2022 SENADOR NA SI ROBIN PADILLA, AT ANO NAMAN KAYA ANG KANYANG MGA GAGAWING BATAS? – Nag-number 1 si actor-TV host Robin Padilla sa mga kandidato sa pagka-senador.

Ibig sabihin, panalo na si Padilla, na sa pagsapit ng July 1, 2022 ay isa na siyang ganap na senador.


At dahil pagsapit ng July 1, 2022 ay matatawag na siyang honorable, Sen. Robin Padilla, abangan na lang natin kung anong mga batas ang gagawin niya sa Senado para sa kapakanan ng bayan at mamamayan, abangan!


◘◘◘


SA LOCAL POSITIONS, BUKAMBIBIG NG MGA TALUNAN NA SILA AY DINAYA KAYA SILA NATALO – Sa local positions, daming kandidato sa pagka-alkalde at congressman ang nagsabi na sila ay nadaya kaya sila natalo.


Ganyan ang eleksyon sa Pilipinas, hindi matanggap ng mga talunan sa local positions ang kanilang pagkatalo, kasi kapag natalo sila, ang bukambibig nila ay dinaya sila, mga buset!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page