Hirit ng mga abogado sa SC... Impeachment trial ni VP Sara, stop
- BULGAR

- Jul 8
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 8, 2026

Photo: Sara Duterte at Israelito Torreon - FB / File
Dumulog sa Supreme Court (SC) ang ilang abogado upang hilingin ang pansamantalang pagpapatigil sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa pangunguna ni Atty. Israelito Torreon, naghain ang grupo ng “Very Urgent Manifestation with Motion” na humihiling sa SC na magpalabas ng Status Quo Ante Order (SQAO) laban sa nagpapatuloy na impeachment proceedings.
Ayon sa mga petisyuner, nais muna nilang mabigyang-linaw ang nauna nilang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng sesyon ng Senado noong Hunyo 3, 2026, na nagresulta sa pagbabago ng liderato ng Mataas na Kapulungan.
Hiniling din nila sa SC na payagan lamang ang pagpapatuloy ng impeachment trial kung mahigpit na nasusunod ang Rules of Procedure at wala nang nakabinbing constitutional challenge kaugnay sa awtoridad ng presiding officer.





Comments