Hirit ng DOH, oks lang mamuhay ang mga Pinoy kahit may COVID-19 pa sa ‘Pinas
- BULGAR

- Aug 30, 2020
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 30, 2020
AYON NG DOH, MAMUHAY NA LANG ANG SAMBAYANAN KAHIT MAY COVID-19 PA—Inihayag ni DOH spokesman, Usec. Maria Rosario Vergeire na hangga’t wala pang bakuna ay dapat matutunan na ng mga Pinoy ang mamuhay kahit may COVID-19 pa sa bansa.
Hay naku, nagpairal pa sila ng napakahabang lockdown, tapos ang ending ay sasabihin ng DOH ay matutong mamuhay ang sambayanan kahit may deadly virus, buwisit!
◘◘◘
SABLAY ANG BANAT NI VIVIAN VELEZ KAY VP LENI KASI NABUHAY ANG ISYUNG BETAMAX QUEEN—Hindi nagustuhan ng dating aktres na si Vivian Velez ang pagpuna ni VP Leni Robredo sa kahinaan ng gobyernong Duterte na harapin ang krisis na dulot ng COVID-19, kaya nilait ang bise-presidente.
Ang resbak naman na ginawa ng dilawan ay muling binuhay at ikinalat sa social media ang isyung “Betamax Queen” kay Velez.
Sana, bago bumanat si Velez kay VP Leni ay inisip niya kung may pangresbak sa kanya ang dilawan, ‘yan tuloy, kalat na sa social media ang masama niyang nakaraan, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
LARRY GADON, TIKLOP KAY GEN. ELEAZAR—Isa si Atty. Larry Gadon sa mga taklesang abogado o kapag may pumuna o bumatikos sa kanya, reresbak agad ito ng banat, pero natameme siya nang pagbantaan siya ni P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar na aarestuhin kapag inulit niya ang hindi pagsusuot ng face mask at face shield.
Marahil, alam ni Gadon na hindi nagdyu-joke si Gen. Eleazar kaya imbes na magpakataklesa, tumiklop sa takot na ipakalaboso ng heneral, boom!
◘◘◘
GORDON, SABIT SA PHILHEALTH SCAM—Ibinulgar ni dating PhilHealth Anti-Fraud Officer Atty. Thorrsson Keith na sabit din daw si Sen. Richard Gordon, head ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagkubra ng mga kuwestiyunableng IRM (Interim Reimbursement Mechanism) funds ng PhilHealth.
Kung makagisa si Gordon sa mga taga-PhilHealth, feeling niya pagkatino-tino niya, ‘yun pala ay sabit din sa scam, pwe!





Comments