top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hirit na taas-sahod, pinag-aaralan na ng DOLE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | November 12, 2022



Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga apela ng pagtataas ng minimum wage para sa mga manggagawa sa gitna ng tumataas na inflation.


“Iginagalang namin ang mga panawagan... Titingnan din namin ang mga reality at factors na dapat na ikonsidera kung kinakailangan na naman ng panibagong adjustment,” ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa isang interview ngayong Sabado.


Noong nakaraang linggo, nanawagan ang Partido Manggagawa para sa P100 across-the-board na dagdag sa minimum wage sa bansa dahil ang purchasing power ng isang minimum wage earner ay humina ng P76, sanhi ito ng mataas na presyo ng mga bilihin.


Ayon kay Laguesma, nagpulong na ang mga regional directors ng DOLE kasama ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) noong Huwebes upang talakayin ang pinakabagong development hinggil sa usapin ng minimum wage adjustment.


“Maingat tayo kasi baka maging inflationary din ito,” sabi ni Laguesma.


Sinabi pa ng DOLE chief, “The RTWPBs are looking at several factors alongside the demands and needs of workers, the capacity of businesses to grant a wage increase, and the consumer price index.”


Nitong Oktubre, ang inflation ay pumalo ng 7.7%, ang pinakamabilis sa loob ng 14 taon, dulot ng mataas na mga presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages sa nasabing buwan.


Una nang inaprubahan ng regional wage boards ngayong taon, ang dagdag sa minimum wage sa maraming rehiyon, pinakamababa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may P305, habang ang pinakamataas ay sa Metro Manila na may P570 nitong Oktubre 2022.


Gayunman, bukod sa pagtataas ng sahod, ayon kay Laguesma, maaari rin ang gobyerno na mag-extend ng subsidiya para sa mga minimum wage earners.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page