top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit na dagdag-presyo sa ilang bilihin, paghandaan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 23, 2023
  • 1 min read

@Editorial | May 23, 2023


Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang inaasahang pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin.


Nakadepende sa magiging sitwasyon kung mag-iisyu ng bagong suggested retail price (SRP) bulletin ang ahensya bago mag-Agosto.


Unti-unti umanong tinataasan ang mga presyo dahil sa nangyayari sa bansa at kailangan na maibsan ang pasanin ng mga consumer upang sila ay makahinga mula sa mga gastusin.


Bagama't walang inaasahang pagtaas ng presyo ng basic necessities at prime commodities, kinumpirma naman ng DTI na mayroong ilang nakabinbing request mula sa manufacturers para sa price increase, partikular sa mga produkto gaya ng delatang sardinas, gatas at asin.


Kabilang umano sa mga nakabinbing request ang nasa 20 stock keeping units (SKUs) mula sa listahan ng SRP ng ahensya.


Ilan sa mga dahilan ng hirit na umento sa presyo ng mga manufacturer ay dahil sa mataas na packaging costs, foreign exchange rates at logistic costs. Bagay na kailangan din nating maunawaan.


Ang dapat lang tiyakin ay walang mangyaring pang-aabuso. Bantayan ang presyo, kapag may nagmalabis, agad na patawan ng parusa.


Sa rami ng iniintindi ng mamamayan mula sa trabaho, tirahan, edukasyon ng anak, hanggang sa tubig at kuryente, huwag na sanang maging malaking alalahanin ang pagbili ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain.


Magawan sana ng paraan ng gobyerno na makontrol ang sitwasyon at kung hindi talaga mapigilan ang taas-presyo, magkaroon sana ng alternatibong solusyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page