Hirit na dagdag-guro tablado, nakupo!
@Editorial | March 30, 2023
Imposible at hindi reyalistiko ang hirit na 30,000 dagdag-guro kada taon, hanggang sa 2028.
Ito ang tugon ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa panawagan ng Alliance of Concerned Teachers na dagdag-guro upang makamit ang ideal class size na 35 mag-aaral, kung saan mangangailangan umano ng P100 bilyon pondo kada taon.
Bagama't nilinaw naman ng Bise na layunin ng DepEd na mag-hire ng karagdagang teaching at non-teaching personnel ngayong taon, nakatakda rin umano silang mag-deploy ng mas maraming school administrative officers para mag-complement sa workforce at bawasan ang administrative tasks ng mga guro.
Bagay na makakatulong para nga naman makapag-focus ang mga titser sa pagtuturo.
Batid naman natin kung gaano kahirap ang maraming estudyante sa loob ng isang silid-aralan na iisa lang ang guro. Sa pagsasaway pa lang ay kulang na ang oras, limitado pa sa ilang kagamitan at pasilidad.
Kaya umaasa tayo na magagawan pa rin ng paraan na makalikom ng sapat na pondo para mas matugunan ang kakulangan sa guro.
Sa ngayon, tiis pa more ang lahat, patuloy sa pagsisikap na maitawid ang edukasyon.



Comments