Hirit kay P-BBM.. Food stamp, wa' 'wenta sa taas-presyo
- BULGAR

- May 25, 2023
- 1 min read
ni Madel Moratillo | May 23, 2023

Umani ng magkakaibang reaksiyon ang panibagong ayuda na ipamimigay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Inaasahang magsisimula sa Hulyo ang P3,000 food stamp para sa mahihirap kada buwan.
Bagama't may mga natuwa, meron ding negatibo ang reaksiyon.
Anila, hindi pangmatagalang solusyon ang food stamp at sa mahal ng bilihin, tiyak umano na hindi rin ito sasapat.
Kaugnay nito, dahil umano sa mataas na presyo ng mga bilihin gaya ng pagkain kaya hindi makabili ng sapat na kailangan ang publiko.
Paliwanag ni Ellen Ruth Abella ng National Nutrition Council, mahina na kasi ang purchasing power ngayon.
Inihalimbawa niya ang 50 pesos na ni hindi makabili ng bigas at ulam.
Kaya naman kailangan aniyang ayusin ng gobyerno ito para maiayos ang food system sa bansa.
Sa Social Weather Stations survey noong Mayo, 2.7 milyon Pinoy ang nagsabi na nakaranas sila ng involuntary hunger kahit isang beses sa nakalipas na 3 buwan.
Mas mababa naman ito sa 3 milyong pamilyang Pinoy noong Disyembre ng 2022.





Comments