Hipon Girl, nilait-lait, bad shot sa netizens… WILLIE, TODO-TANGGOL KAY MS. MANILA, 'WAG DAW I-BASH

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 26, 2020

Nilinaw ni Willie Revillame na walang away na namamagitan kay Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl at kay Miss Manila Alexandra Abdon.
Marami kasing manonood ng Wowowin ang nag-akala na totoong away ang namagitang sagutan sa dalawa sa live episode ng show last week.
Kaya naman nagsalita si Willie at kinlaro ang mga espekulasyon.
“Si Hipon ho at saka si Miss Manila, hindi ho magkaaway ‘yun. Nagkaayos na ho ‘yun. Alam n’yo, ganu’n lang naman, nagkakabiruan sila,” paliwanag ni Willie.
Nakatanggap nang katakut-takot na pamba-bash si Miss Manila dahil sa pagtataray niya kay Hipon Girl kaya nakiusap si Willie sa mga netizens.
“Kawawa naman si Miss Manila, ‘wag n’yo nang i-bash.”
Mabait daw si Miss Manila at tahimik nga lang daw ito ‘pag kumakain sila. Ikinuwento rin ng TV host na pinag-usap na niya ang dalawa last Friday.
“Siguro, maaaring nasaktan si Hipon pero nagbibiro lang daw si Manila. So, alam n’yo naman ho ito, ‘wag na nating pansinin, ‘wag na nating palakihin ‘to, eh, nag-trending daw ito, nag-number one,” sey ni Willie.
Pero talagang kampi pa rin ang mga tao kay Hipon at komento nila, si Miss Manila raw ang dapat pagsabihan sa mga masasakit nitong biro.





Comments