top of page
Search
  • BULGAR

Hiniritan ng kikitain sa YouTube vlog… PIA, PINALAYAS ANG GUWAPONG BF NA SI JEREMY

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 03, 2021




Na-watch namin ang latest YouTube vlog ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach titled Pia Life Update: Finally Answering Your Questions! Part 2.


'Kaaliw palang panoorin si Pia dahil kahit beauty queen ito, may pagka-masa pa rin at ramdam mong hindi siya 'yung tipong pasosyal.


Isa sa mga tanong ng fans na sinagot ni Pia ay 'yung paano siya nagko-cope up sa mga nambu-bully sa kanya dahil sa laki ng kanyang boobs.


Kuwento ni Pia, nu'ng nag-aaral pa siya, conscious siya sa hindi normal na laki ng kanyang hinaharap kaya kahit sinasabihan siyang 'blessed' ng mga kaibigan niya ay hindi siya komportable.


Pero habang nagma-mature raw siya ay natutunan na rin niyang tanggapin kung ano'ng ibinigay sa kanya ni Lord, kaya ngayon, dedma na lang siya kahit ano pang sabihin ng ibang tao sa kanyang bumpers.


Samantala, kinilig naman kami sa isang part ng vlog kung saan biglang sumulpot ang super-guwapong Scottish-Colombian boyfriend ni Pia na si Jeremy Jauncey.


Grabe 'yung lagkit at tamis ng tinginan nila nang mag-eye-to-eye habang magkatabi sa sofa. Mapapa-sana all ka na lang talaga dahil ramdam mong in love talaga sila sa isa't isa.


Natawa lang kami nu'ng magbiro si Jeremy kay Pia ng, "Whose the video again to?"

Sagot ni Pia, "It's for my vlog."


Hirit ni Jeremy, "The vlog. Hmmm. You gonna share some of that ad sense dollars with me?" sabay mabilis na taas ng mga kilay at turo sa gilid ng kanyang ulo na parang sinasabing kailangan ay utakan at dapat siyang bigyan ni Pia dahil part siya ng vlog nito.

Sagot ni Pia kay Jeremy, “Umalis ka na nga. You can go now!”


Hahahahaha! Negosyanteng-negosyante talaga ang BF ni Pia!


Pero in fairness, bagay talaga sila at perfect couple!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page