Hinding-hindi magre-resign... Sara kay BBM: Kung gusto mo, tanggalin mo 'ko
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 27, 2026

Photo: Sara Duterte at Bongbong Marcos - FB
Muling iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi siya magbibitiw sa puwesto sa kabila ng kinahaharap niyang impeachment trial.
Ayon kay Duterte, mananatili siya sa kanyang posisyon bilang paggalang sa mandato ng
mga botanteng nagluklok sa kanya sa puwesto.
“Hinding-hindi ako magre-resign. Dahil ‘yun ay parang betrayal sa 32.2 million na mga kababayan natin na bumoto sa akin,” wika ni Duterte sa panayam ng SMNI News Online nitong Sabado sa kanyang pagbisita sa Filipino community sa London, United Kingdom.
Dagdag pa niya, handa siyang harapin ang anumang hakbang laban sa kanya at hindi siya kusang aalis sa kanyang posisyon.
“Kung gusto ni BBM tanggalin niya ako. Gawin niya ang lahat, tanggalin niya ako,” dagdag ng Bise Presidente.





Comments