top of page
Brenda Mage - FB.jpg

Hindi tukso ang problema, kundi kasakiman

Writer: BULGAR
BULGAR
40 minutes ago
1 min read

by Info @Editorial | November 28, 2026



Editoryal, Editorial


Huwag daw tuksuhin ng mga kontratista at negosyante ang mga taga-gobyerno dahil marupok ang mga ito sa korupsiyon.


Pero bakit kailangang pakiusapan ang mga kontratista at negosyante na huwag manukso? Hindi ba't tungkulin ng bawat opisyal at kawani ng pamahalaan na tumanggi sa anumang uri ng suhol?


Hindi mga bata ang mga nasa gobyerno na kailangang bantayan at ilayo sa tukso. Nasa hustong gulang na sila at alam nila kung ano ang tama at mali.


Ang pagtanggap ng suhol ay hindi simpleng kahinaan kundi isang desisyong may kaakibat na pananagutan. Hindi maaaring gawing palusot ang tukso sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.


Hindi rin naman lahat ng kontratista at negosyante ay kusang nag-aalok ng lagay. May mga pagkakataong sila mismo ang hinihingan ng komisyon kapalit ng pag-apruba ng proyekto o pagpapabilis ng transaksyon.


Hindi rin makatarungang lahatin ang mga kawani ng pamahalaan dahil marami pa rin ang marangal na nagtatrabaho at hindi nagpapasilaw sa pera.


Simple lang naman: Kung marupok ka sa korupsiyon, huwag kang humawak ng puwesto sa gobyerno.


Hindi obligasyon ng taumbayan na ilayo sa tukso ang mga lingkod-bayan. Obligasyon ng mga lingkod-bayan na huwag pagnakawan ang taumbayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page