Hindi raw mate-take 'pag binully na anak ng bakla, Ion… VICE, UMAMIN KUNG BAKIT AYAW MAGKA-BABY
- BULGAR

- Jul 9, 2020
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 9, 2020

Sa nakaraang episode ng It's Showtime, naging contestant sa Tawag ng Tanghalan segment ang isang miyembro ng LGBTQ+ community.
Sa panayam sa kanya ng host na si Vice Ganda, ibinahagi ng contestant na kahit gay siya, nagkaroon naman siya ng dalawang anak.
Bilang tagapagtaguyod at miyembro ng LGBTQ+, nagbigay ng saloobin ang Kapamilya host kung bakit ayaw niyang magkaroon ng sariling anak.
"Saludo ako. Hindi ko mawari ang tapang at husay n'yo. Kasi ako, hindi ko kaya 'yun,” naguguluhang lahad ni Vice sa contestant.
Dahil may ibang gay celebrities nga naman na nag-come-out at inaming nagkaroon ng anak sa babae, madalas daw itanong kay Vice ng malalapit niyang kaanak at mga kaibigan kung kailan din niya ito papangarapin o tototohaning magkaroon ng sariling anak.
“Laging natatanong sa akin, ‘Hindi ka ba mag-aanak? Sayang naman.' Sabi ko, kung iisipin ko lang ‘yung kakayahan ko, puwede kong sabihin na kaya ko,” rason ni Vice.
Pero paliwanag niya kung bakit ayaw niyang magkaroon ng sariling anak, “Ayaw ko kasi talagang i-expose 'yung magiging anak ko sa cruelty ng mundo."
Katwiran pa ni Vice, “Ako, kaya ko 'yun (magkaroon ng anak). Puwede kong sabihin na handa na ako, kasi napagdaanan ko na 'yan, kinaya ko na 'yan. Pero 'yung bata, hindi ko lubos na maisip 'yung hirap ng anak ko kapag sinalbahe ng mga salbahe, hindi ba? Parang ako na lang. Okay lang kahit mag-isa na lang ako, kahit wala na lang akong anak, basta huwag na lang magdusa 'yung magiging anak ko kung saka-sakali," pahayag ni Vice.
May katwiran naman si Vice. Masasaktan nga naman siya 'pag may nang-bully sa anak at tinawag na "anak ng bakla", o kaya'y sinabihang "Tatay mo, bakla!"





Comments