top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hindi ramdam ang pagtaas ng palitan ng dolyar dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin

BULGAR
Jul 11, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 11, 2022


HINDI NATUWA ANG MAMAMAYAN SA ROLLBACK SA PRESYO NG LANGIS KASI KAKARAMPOT LANG IBINABA—Imbes na matuwa sa rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, napakamot-ulo na lang ang mamamayan nang malaman ang ibinaba ng presyo kasi kakarampot lang.


Mantakin n'yo nga naman, sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis mula Enero 2022 hanggang Hunyo 2022 ay pumalo na sa P28.70 ang presyo ng per litro ng gasolina at P41.15 per litro naman ang sa diesel, tapos sa rollback na gagawin ay P5.50 lang ang ibabawas per litro sa gasolina at P5.90 naman ang mababawas sa per litro ng diesel.


'Yan ang nakalulungkot na nangyayari sa 'Pinas, magdaragdag ng mataas sa presyo ng mga produktong petrolyo, pero kapag nag-rollback ay kakarampot.


◘◘◘


SEC. OPLE, PUMALAG SA MANDATORY PHILHEALTH CONTRIBUTIONS SA MGA OFWs—Tinutulan ni Sec. Toots Ople ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mandatory Philhealth contributions ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).


'Yan ang totoong secretary na may malasakit, hindi tulad ng nakaraang kalihim ng departamentong ito na "bow lang nang bow" sa ipinag-uutos ng PhilHealth.


Mabuti sana kung ang lahat ng Philhealth contributions ay napakikinabangan ng mga OFW, eh, hindi naman at sa halip, ang nababalitang nakikinabang sa pondo ng ahensya ay ang mga kurakot sa PhilHealth, boom!


◘◘◘


SA SOBRANG TAAS NG BILIHIN AT BAYARIN SA 'PINAS, HINDI RAMDAM NG MGA OFW ANG PAGTAAS NG HALAGA NG DOLYAR SA PESO—Hindi ramdam ng mga OFW ang pagtaas ng halaga ng dolyar sa peso.


Hindi talaga nila mararamdaman 'yan kasi mabilis maubos ang ipinadadala nilang dolyar sa mga kapamilya nila sa Pilipinas, na ang dahilan ay ang sobrang taas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page