Hindi racetrack ang kalsada
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | August 5, 2026

Marami nang nagmomotor ang nakalimot na ang kalsada ay hindi personal na racetrack. Singit dito, counterflow doon, beating the red light, walang helmet, walang signal light, at kung makapagpatakbo ay parang sila lang ang may karapatan sa daan.
Hindi sukatan ng husay sa pagmomotor ang bilis o tapang. Ang tunay na disiplina ay ang paggalang sa batas at sa buhay ng kapwa.
Ang isang segundo ng kapabayaan ay maaaring kumitil ng buhay ng inosenteng pedestrian, kapwa motorista, o mismong rider. Hindi dapat maging normal ang paglabag sa batas-trapiko. Ang lisensya ay pribilehiyo, hindi lisensya para maging pasaway.
Panahon nang higpitan ang pagpapatupad ng batas at panagutin ang mga paulit-ulit na lumalabag.
Higit sa lahat, kailangan ding magbago ang pag-iisip ng bawat rider. Ang responsableng pagmomotor ay hindi lamang tungkol sa pag-iwas sa multa—ito ay tungkol sa pag-uwi nang ligtas at pagtiyak na may makakauwi ring ligtas dahil sa iyong disiplina.



Comments