top of page

Hindi pa rin nag-usap… HEART, DINAANAN LANG SI PIA SA SONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 1, 2025



Image: Heart at Pia sa SONA 2025 - Missosology



SA napanood naming video, nagkrus ang landas nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach sa nakaraang SONA ni President Bongbong Marcos. 


Dumaan si Heart sa harap ni Pia, sobrang lapit ng puwesto ng dalawa, pero parang hindi nila nakita ang isa’t isa.


Tuluy-tuloy ang lakad ni Heart at tuloy din ang pakikipag-usap ni Pia sa kausap, kaya kahit magtinginan ay hindi nila ginawa. 


Siguro naman, may nakapagsabi sa dalawa sa presence ng isa’t isa, pero wala talagang sign na in-acknowledge nila ang isa’t isa.


Piktyur na naka-uniform, ifinlex sa IG

ALDEN, NAG-START NANG MAG-ARAL MAG-PILOTO


Ang astig ni Alden Richards sa suot niyang pilot uniform sa first day niya sa flying school na Alpha Aviation Group sa ginanap na Induction Ceremony. Ang dad at sister niya ang nagkabit ng tinatawag na pilot epaulettes sa balikat ng student pilot.


Sa kanyang Instagram, nag-post si Alden ng photos niya in pilot uniform at may caption na: “Day 1 starts today.” 


Kahit pala first day pa lang sa flying school, Cadet na ang tawag sa mga kagaya niyang pilot student. 


Sa caption ni Nelson Canlas na nag-post ng photos ni Alden, ang sabi: “Cadet Richard Faulkerson Jr., is now officially in flying school. New uniform. Real drills. A different kind of takeoff.”


Sa interview kay Alden, nabanggit na bata pa lang siya, curious na siya kung paano lumilipad ang eroplano at kung paano nagte-takeoff.


“Personal ambition ko ito na gusto kong tuparin. Since nagkaisip ako, may lone objective is to fulfill my parents' dream. 


“Ang showbiz, dream ‘yun ng mom ko. Itong maging piloto, dream ng dad ko. Dahil hindi parehong natupad ng parents ko ang dream nila, ako ang tutupad,” wika ni Alden.  


Sa first day niya sa flight school, hindi lang classroom ang pinuntahan niya, pati ang hangar at ipina-experience sa kanya kung paano magpalipad ng eroplano at ipinaramdam ang turbulence.


Hindi problema ni Alden ang kanyang busy schedule dahil aayusin niya, kaya siguro hindi muna siya gagawa ng pelikula at series this year. Focused siya sa pilot school.

“Two years ang course ko. Pag-graduate ko, I’ll be able to fly a commercial plane,” determinadong sabi ni Alden.



NANALO ng EP of the Year si Janine Teñoso para sa EP niyang Apat na Buwan sa The New Hue Video Music Awards. She shared the award sa kanyang team na tumulong na matapos ang EP.


“Thank you so much @thenewhueph for this award. It means so much to me to have these songs which started and were written in my bedroom 2 years ago, now got recognized tonight. Thank you to everyone who helped me bring this EP to life, my band and creative team. You all keep me inspired, always.”


Tinapos ni Janine ang post sa “See you on Sept. 6 at my first ever big girl show.”

Ang binanggit na show ni Janine ay ang first solo concert niyang Janine happening sa New Frontier Theater. Guests ni Janine ang Cup of Joe, The Juans, Rob Deniel at si Arthur Nery.


Dahil sa panalong ito ni Janine, lalo itong magkakaroon ng drive na mas galingan ang performance sa kanyang concert. Magkakaroon din ito ng drive na magawa na finally ang dream niyang album at tina-target nito ang release next year.


Sorry na lang sa fans nila ni Barbie…

JILLIAN, BAGO NI DAVID


NAG-STORYCON na ang bagong action drama series ng GMA na Never Say Die na pagsasamahan nina Jillian Ward, David Licauco at South Korean actor Kim Ji Soo.

Kasama sa cast sina Richard Yap, Wendell Ramos, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Laurel, Analyn Barro, Raheel Bhyria at Gina Alajar. Si Dominic Zapata ang director ng series.


Sa storycon, ipinaalala ni David na nagkasama na sila ni Jillian sa Sa Piling ni Nanay at ngayon, magkatambal na sila. Nagkasama rin sina Jillian at Raymart noong maliit pa ang aktres at ngayon, dalaga na.


Reunion din ito nina Richard at Jillian na nagkasama sa Abot Kamay na Pangarap at makakasama rin ni Jillian si Raheel na love siya. Masaya tiyak ang aktor kahit hindi siya ang leading man ni Jillian.


Ang hindi masaya ay ang BarDa fans nina David at Barbie Forteza dahil ibig sabihin, matagal na namang magkakapareha ang BarDa. Sa Beauty Empire kasi, guest lang si David at sandali lang ang exposure nito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page