Hindi pa man inilalantad… RITA, UMAMING HIWALAY NA SA PADIR NG ANAK
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 17, 2023

Kinumpirma ni Rita Daniela na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz partner at ama ng kanyang baby na si Uno. Umamin ang aktres sa Fast Talk with Boy Abunda aired last Thursday.
Diretso siyang tinanong ng host na si Boy Abunda kung hiwalay na sila ng tatay ni Uno at hindi rin nagpaliguy-ligoy pa si Rita sa pagsagot.
“Yes, Tito Boy, naghiwalay na po kami nu’ng tatay ni Uno. We really tried our best just like everybody else, but it didn’t work out,” simula ng Kapuso actress.
Pero agad din namang nilinaw ni Rita na very good friends pa rin sila at maayos ang co-parenting setup nila.
“I’m actually proud of ourselves, kaming dalawa, kasi hangga’t maaga ay inaayos na namin siya para kapag lumaki na si Uno, alam mo po ‘yun, peaceful po kami and we can still be a family na wala na pong mga isyu-isyu sa both sides,” pagbabahagi ng aktres.
Alam na rin daw ng family niya ang tungkol dito at ang una niyang sinabihan ay ang kanyang sister.
“Kasi alam naman ng family ko na itina-try namin many times. Matagal din kami together, like almost four years together. We really tried our best.
“But now, ‘yun nga, again, I’m happy kasi klaro naman ‘yun sa aming dalawa na ito ‘yung papel namin sa buhay ni Uno. But of course, definitely, masakit, painful ‘yun sa akin bilang nanay,” aniya.
Siyempre, someday, alam niyang magmamahal siyang muli at pangarap pa rin naman daw niyang ikasal sa tamang lalaki.
“But now, not yet. Because right now, my focus is to be a better person and to be the best mom to Uno,” sey ni Rita.





Comments