Hindi na si Nadine… LIZA, REYNA SA KUMPANYA NI JAMES, ALAGANG-ALAGA!
- BULGAR
- Jul 6, 2022
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 6, 2022

Curious ang mga netizens sa itinatakbo ng career ni Liza Soberano.
Ano raw ba ang gusto ng aktres, ang maging singer o maging Hollywood actress tulad ng sinasabi niyang Hollywood dream, kaya siya lumipat sa poder ng Careless Management ni James Reid.
Kamakailan ay nasa Korea si James bitbit ang talent na si Liza with his Careless team. Bumisita ang grupo sa music label na Starship Entertainment kung saan mostly ang talent nila ay pawang mga singers.
Walang caption sa larawang nasa Instagram ni @hwamok89 kundi pawang naka-share lang sa account nina Liza, James, ng Starship at ng dalawa pang personalidad na kasama sa picture.
Nagtataka ang mga netizens lalo na ang mga followers ni Liza kung ano ang iko-collaborate ng grupo niya sa Starship.
Sey nga ng isang Marites sa aktres, "Hollywood dream, nasa Korea."
"Yesterday, they were YG Entertainment's affiliate company, The Black Label. May photo pa na posted nito lang na James is with GOT7's Bambam. In fairness, ah, kumikilos 'yung grupo nila. I don't know what's next for them pero bilib ako sa kayod ni James and his team to at least keep trying. Mag-succeed or hindi, ang importante, they gave it a shot."
"Wow! May connections pala talaga si James sa peeps of K-Pop industry. 'Di ba 'yung song niya, kasama si Jaybee of GOT7?"
"Ohh, looks like Liza will be Careless’ main focus….not sure how long that will work for their other artists."
May pumupuri naman sa hands-on na pagtatrabaho ni James bilang bagong manager ni Liza.
"Not a fan of James Reid pero nice that he has passion and courage sa business and management."
"In fairness kay James, local music labels that are older & established can't do promotions & connections like this. He's really rubbing elbows with connected people."
"Korean music label? Bakit? Gagawa din ba ng music collab si Liza?"
Mosang na mosang naman ang dating ng isang ito, "'Di na si Nadine ang queen ng Careless."
Talent din kasi ni James sa kanyang management ang ex-GF niyang si Nadine Lustre.
May nagsasabi namang, "Mabenta ang beauty ni Liza d'yan sa SoKor."
"I can’t imagine Liza singing and dancing ala-K-Pop. Nadine has experience with P-Popish sounds, even James, but I can’t imagine Liza."
"Kawawang Liza, wala nang direksiyon ang career. Why naman kasi?"
"Mas may pag-asa si Liza mag-bloom ang career sa Korea kesa sa US. Mas magiging mabenta beauty niya diyan."
"Ang daming mapapait lagi 'pag tungkol sa progress ni James at ng Careless. Hayaan n'yo sila mag-hustle mapa-Hollywood man 'yan o sa Korea. Eh, sa may pangarap sila. Buti 'yan kaysa maghintay lang ng grasya at offers dito sa 'Pinas. In the end, wala silang pagsisisihan kasi nag-effort silang tuparin 'yung pangarap nila. Mga bata pa 'yang mga 'yan. Instead na i-down, i-encourage na lang or i-wish ng good luck. Para naman kayong 'di pa nangarap at nag-hope minsan na matupad kahit mukhang imposible."
Tamaaaa...





Comments