top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga POGO, 'di na nagbabayad ng tax, empleyado nilang Chinese may discount pa sa ospital

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 19, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 19, 2023


TIYAK NA HINDI PAPAYAGAN NG MILYUN-MILYONG DDS NA MAKULONG SI EX-P-DUTERTE -- Sabi ni ex-P-Duterte ay magpapakulong na lang daw siya dahil wala raw siyang planong tugunin ang subpoena sa kanya ng Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay sa kasong grave threat na isinampa sa kanya ni ACT Teacher partylist Rep. France Castro.


Kapag tinutoo ni ex-P-Duterte na magpakulong ay iyan ang dapat paghandaan ng pamahalaan kasi kapag pinuntahan na ng mga otoridad ang ex-president para dakpin ay siguradong maglalabasan ang milyun-milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) para protektahan at hindi makulong ang dating pangulo, period!


◘◘◘


PHILHEALTH OFFICIALS NA SANGKOT SA PAGBIBIGAY NG PHILHEALTH ID SA CHINESE EMPLOYEES NG MGA POGO, SIBAKIN SA PUWESTO -- Nabulgar sa pagdinig sa Senado na may PhilHealth ID ang mga Chinese national na nagtatrabaho sa mga pasugalang POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) sa bansa.


Kung sinuman sa mga opisyal ng PhilHealth ang nag-aprub na bigyan at maging member ng PhilHealth ang mga Chinese national na nagtatrabaho sa POGO ay dapat sibakin ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa puwesto, at dapat kasuhan din, kasi hindi katanggap-tanggap para sa mga Pinoy na nambabalatuba na nga o hindi nagbabayad ng buwis sa Pilipinas ang mga may-ari ng mga POGO sa bansa, tapos iyong mga Chinese na empleyado nila na nagkakasakit ay nagkaka-discount pa sa ospital, tsk!


◘◘◘


SANA TOTOO ANG SINABI NG LTFRB NA WALANG JEEPNEY PHASEOUT --Nanawagan ang mga opisyal ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na huwag nang ituloy ang planong 3-araw na tigil-pasada next week dahil fake news lang daw ang nababalitang mapi-phaseout na ang mga traditional jeepneys sa Dec. 31, 2023, na ayon sa LTFRB ay wala raw magaganap na phaseout sa mga tradisyunal na jeepney.


Sana totoo ang sinabing ito ng LTFRB kasi kung panloloko lang ang kanilang statement at itinuloy nila ang phaseout ng mga traditional jeepney sa Dec. 31, 2023 ay tiyak mapapagalit nila, hindi lang ang PISTON, kundi pati iba pang samahan ng mga jeepney drivers at operators sa bansa, period!

◘◘◘


ANG KAPABAYAAN NG LTO, IBINIDA PA NILA SA PUBLIKO -- Inanunsyo ng mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na mula raw noong April 2022 hanggang ngayon ay nalugi raw ng higit P37 billion ang gobyerno mula sa mga sasakyang hindi rehistrado.


Ang isa sa mandato ng LTO ay manghuli ng mga hindi rehistradong sasakyan, tapos ibinibida pa nila ngayon ang kanilang kapabayaan kung kaya’t nalugi ng ganyan kalaking halaga ang pamahalaan mula sa mga hindi rehistradong mga sasakyan, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page