top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hindi lang unibersidad ang ‘recruitment agency’ ng mga komunista, mas lamang pa ang partylist!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 24, 2021



Hindi malinaw kung pupuwede sa matatanda at may sakit ang Pfizer vaccine.


‘Yan ang problema, guinea pig muna ang mga unang gagamit ng bakuna!


◘◘◘


GINAGAWANG recruitment area ang mga unibersidad para mapalakas ang CPP-NPA.


Eh, hindi ba ninyo alam na ang mga indigenous group, magsasaka at magsasaka ay nire-recruit din ng mga NPA?


Mag-esep-esep po tayo!


◘◘◘


DAPAT nating maunawaan at ipaliwanag sa publiko kung ano ang isinasaad ng batas at ng Konstitusyon.


Hindi bawal ang paglalaganap ng ideya o ideolohiya, hangga’t hindi ito nagsusulong ng madugong pagbabago sa lipunan!


◘◘◘


HALIMBAWA, alam ba ninyong kapag inalis o tinalikdan ng CPP-NPA ang armadong pagbabago sa gobyerno—ay hindi bawal ang kanilang organisasyon?


‘Yan ay kailangan ipaliwanag ng AFP, PNP at gobyerno sa taumbayan!


◘◘◘


BINUO ang partylist system upang hikayatin nang direkta ang mga naniniwala sa ideolohiyang komunismo na talikdan ang armadong pagbabago—at sumanib sila sa istruktura ng gobyerno.


Kakaunti ang nakauunawa niyan!


◘◘◘


MALINAW kung gayun na ang pagsusulong ng ideolohiyang komunismo ay malayang tinatalakay sa lahat ng unibersidad sa ilalim ng academic freedom.


Pero, ipinagbabawal ng Konstitusyon na hikayatin ang sinumang miyembro o mamamayan na magsulong ng armado o madugong pagbabago!


◘◘◘


HINDI ito gaanong ipinaliliwanag.


Ang konsepto ng komunismo at sosyalismo ay napatunayang hindi epektibo.


Tulad din ng demokrasya—ang mga ideolohiyang ito ay may mga problema rin sa aktuwal na implementasyon!


◘◘◘


PARE-PAREHONG tinatalikdan ng mga ideolohiyang ito ang pagdidikta ng mga oligarko—pero sa aktuwal ay siya rin ang aktuwal na nararanasan.


Kung sino ang mayayamang at masasalapi—ay aktuwal na may kontrol ng lipunan at gobyerno.


Bakit?


Siyempre, sila ang gulugod ng ekonomiya!


◘◘◘


GUSTO ba ninyo na ang kumontrol ng gobyerno ay mga magsasaka, karpintero at nagtitinda ng fishball?


Paano mangyayari ‘yun?


Ang NPA na dating magsasaka, kapag nagging lider ng partylist o ng grupong komunismo—ay nalilimutan niyang siya ay “magsasaka”.


Nakikinakaw din sila sa pork barrel at pinag-aaral ang mga anak sa abroad—saan nagmula ang kanilang salapi?


Saan?


◘◘◘


ANG masama at mabuti ay palaging magkakambal.


Walang anghel sa lupa at wala ring perpektong gobyerno!


◘◘◘


ANG matter o alinmang bagay ay hindi magiging matter kapag “lahat ay positibo o lahat ay negatibo”.


Palaging magkasama ang negatibo at positibo—ang prinsipyo ng living things at non-living things.


Malinaw na malinaw ‘yan.


Ang anumang problema ay normal at permanente!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page