top of page
Search
  • BULGAR

Hindi lang sina Ate Vi, Kabayan at Chavez… Pilo Hilbay, iniwan na rin sa ere si Yorme

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 20, 2021


BAKA DUMAMI NA NAMAN ANG COVID-19 CASES KASI BALIK-OPERASYON NA ANG STL-CON JUETENG SA TAGUIG, MUNTINLUPA, LAS PIÑAS, MAKATI, PARAÑAQUE AT PASAY--May impormasyon na nagbalik na naman ang operasyon ng STL (Small-Town Lottery)-con jueteng sa mga lugar nina Taguig City Mayor Lino Cayetano, Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, Las Pinas City Imelda Aguilar, Makati City Mayor Abby Binay, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Pasay City Mayor Emy Calixto-Rubiano.


Hay naku, bumababa na nga ang COVID-19 cases sa Metro Manila, pero baka dahil sa balik-operasyon ng STL-con jueteng ay dumami na naman ang tatamaan ng virus, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘

SEN. PIA CAYETANO, PARANG WALANG PAKIALAM SA MULTI-BILLION SCAM NG PS-DBM AT PHARMALLY CORP.--Si Sen. Pia Cayetano ay miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa multi-billion peso scam na kinasasangkutan ng mga tauhan ni P-Duterte sa PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) at mga katropa ni Yang Hong Ming, aka Michael Yang sa Pharmally Corp., pero hindi siya nakikiisa sa imbestigasyon dito.


Pambihirang senadora 'to, parang walang pakialam sa bilyun-bilyong in-scam ng mga taga-PS-DBM at Pharmally Corp. na pag-aari ng mga wanted sa Taiwan sa kasong fraud, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


PAMBA-BASH NG MGA DDS, WALANG PATOL SA PUBLIKO KASI NUMBER 1 PA RIN SI RAFFY TULFO SA SURVEY--Umuusok na naman sa galit ang mga DDS kay Raffy Tulfo sa sinabi nitong gusto niyang mabigyan ulit ng prangkisa ang ABS-CBN para magkaroon ng trabaho ang libu-libong empleyado, na sablay ang drug war ng pamahalaan at tutol siya sa anti-poor na death penalty.


Ang problema ng mga DDS, wala nang patol sa publiko ang pamba-bash nila kay Raffy Tulfo kasi sa latest survey ay number 1 ang broadcast journalist sa nais ng majority Pinoys na maging senador, period!


◘◘◘


MATAPOS IWANAN NINA ATE VI, KABAYAN AT CHAVEZ, INIWAN NA RIN NI PILO HILBAY SI YORME--Kumalas na rin si dating Solicitor General (SoGen) Pilo Hilbay sa partidong Aksyon Demokratiko ni Yorme Isko Moreno.


Unang nagpahayag na hindi na siya kakandidatong senador sa ilalim ng Aksyon Demokratiko ni Yorme si star of all season, Batangas Rep. Vilma Santos, sumunod si Kabayan Noli de Castro na iniatras ang kandidatura, pagkaraan nito ay nag-resign si Cesar Chavez bilang chief of staff ni Mayor Isko at ang latest, ang pagkalas ni Hilbay sa kanilang partidong Aksyon Demokratiko para suportahan kandidatura ng kalaban ni Yorme na si VP Leni Robredo.


Kung anuman ang dahilan nina Ate Vi at Kabayan sa pag-atras ng kanilang kandidatura at sa pagkalas sa Aksyon Demokratiko nina Chavez at Pilo ay sila na lang nakakaalam, period!




0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page