top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hindi kinaya ni Toni Gonzaga ang pampa-bash ng netizens kaya lumayas sa PBB

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 12, 2022



TONI GONZAGA, BABU NA SA PBB BILANG MAIN HOST–Hindi sinibak sa PBB (Pinoy Big Brother) si Toni Gonzaga, kundi kusa siyang nag-resign matapos putaktehin nang batikos dahil sa pag-eendorso sa kandidatura ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte.


Hindi siguro kinaya ni Toni ang pamba-bash sa kanya ng netizens kaugnay sa pagsuporta nito sa mga sangkot sa pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN, kaya naobliga siyang mag-resign sa PBB.


Patunay ‘yan na may hiya pala si Toni, akala kasi ng netizens ay walang hiya na siya, period!


◘◘◘


MARAMI ANG NALUNGKOT SA PAGLISAN NI P-DUTERTE SA PALASYO KASI AALIS SIYA NA BAON SA UTANG ANG BANSA–Marami ang nalungkot sa sinabi ni P-Duterte na lilisanin na niya ang Palasyo, ibig sabihin ay hindi na siya matutulog dito at uuwi na sa Davao City, pero tuloy pa rin ang panunungkulan niya bilang pangulo hanggang June 30, 2022.


Ooops! Gusto lang nating linawin na hindi nalungkot ang mamamayan dahil aalis na sa Palasyo si P-Duterte, nalungkot ang mamamayan kasi aalis siya nang baon sa utang ang Pilipinas, boom!


◘◘◘


AALIS SA PODER SI P-DUTERTE NANG HINDI NASOLUSYUNAN ANG MGA PROBLEMANG IDINULOT NG PANDEMYA–Sa June 30, 2022 ay wala na sa Palasyo si P-Duterte, hindi na siya ang pangulo. Pero ang masaklap, aalis siya sa poder na wala siyang nagawang solusyon para tugunan ang mga kinahaharap na problema ng mamamayan ngayong panahon ng pandemya.


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang jobless, tinatamaan at namamatay sa COVID-19.

Kung sa ibang bansa, normal na ang pamumuhay, sa ‘Pinas ay may mga alert-alert pa, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘


PAGKA-PANGULO NI P-DUTERTE, MALAKING JOKE DAHIL AGRICULTURAL COUNTRY ANG ‘PINAS, TAPOS NAG-I-IMPORT NG ISDA, ASUKAL AT BIGAS–Bukod sa pag-i-import ng bigas at isda, mag-i-import na rin ang Pilipinas ng asukal sa ibang bansa.


Patunay ‘yan na malaking joke ang pagiging pangulo ni P-Duterte sa ‘Pinas kasi mantakin n’yo, kilala sa buong mundo ang Pilipinas bilang agricultural country, tapos nag-iimport tayo ng bigas, isda at asukal? Buwisit!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page