top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hindi kailangan ang dada at propaganda sa panahon ng pandemya, dapat aktuwal na ayuda

BULGAR
Sep 16, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 16, 2021



Isinailalim na sa Alert Level 4 ang Metro Manila.


Sa aktuwal ay pinaluwag mula MECQ maliban sa masasakop ng tinatawag na granular lockdown!


◘◘◘


MALINAW kung gayun na mahigpit pa rin sa mga espesipikong lugar na may mga kaso ng COVID.


Ang granular lockdown ay puta-putaki o bloke-bloke, o laktaw — laktaw na lockdown!


◘◘◘


BINAGO lang ang diskarte pero mahigpit na lockdown pa rin.


Ibig sabihin, diretso lang ang kalbaryo ng mamamayan!


◘◘◘


MAY ayuda sa mga tatamaan ng granular lockdown?


Pinagdedebatehan pa ‘yan ng mga kolokoy sa gobyerno habang gumagapang sa hirap ang mamamayan!


◘◘◘


SA gitna nito, kaliwa’t kanan at walang habas na banatan ng mga kakandidato para sa 2022 eleksiyon.


Puro kuda at dada ang ginagawa ng mga ito sa ngayon para umingay ang kani-kanyang kampo bago pa man ang filing ng certificate of candidacy ngayong October 1!


◘◘◘


SA halip na gawan ng paraan ang krisis, nagbabatuhan pa ng mga baho ang ating mga opisyal ng bayan.


Taliwas dito, diretso lang ang implementasyon ng programang Sampung Libong Pag-Asa ni dating Speaker Alan Peter Cayetano!


◘◘◘


AKALAIN n’yo, umaabot na pala sa 10, 458 ang nakatanggap ng P10-K ayuda mula kay Cayetano at sa mga kaalyadong BTS o Balik Sa Tamang Serbisyo.


Nationwide ‘to, at marami nang success story hinggil dito!


◘◘◘


NAKAPAGTATAKANG hindi inaaksiyunan ng Kamara ang “10-K Ayuda Bill” na inihain ng grupo ni Cayetano.


Nakatengga ito noon pang Pebrero 2021 at hindi inaagenda!


◘◘◘


SA totoo lang, hindi nga lang P10-K ayuda ang kusang ipinatutupad ng BTS kundi maging ang pagkakaloob ng tig-P3, 500 sa mga sari-sari store sa buong bansa.


Umabot na sa na P2, 500 ng mga sari-sari stores ang nakinabang sa programang ito!

◘◘◘


KABILANG din sa mga benepisaryo ng P10-K ayuda ang mga naluging malilit na negosyo, OFWs, atleta, taga-showbiz, health workers at magsasaka.


Hindi kailangan ang dada at propaganda sa panahon ng pandemya, kailangan natin ay aktuwal na ayuda at biyaya na pantawid-buhay!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page