Hindi batas ang problema, kundi ang mga mambabatas
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 11, 2024
ORGANIZED DEMOLITION JOB, MGA ATAKE KAY VP SARA DAHIL FRONT-RUNNER ITO SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION -- Ibinulgar ni Vice President Sara Duterte-Carpio na isang organized demolition job ang mga atake sa kanya para sirain ang kanyang integridad tulad nang palabasing mamamatay-tao siya, iugnay sa corruption, abusado, taksil sa bayan.
May punto si VP Sara sa sinabi niyang ito, kasi sa statement ni presidential sister, Sen. Imee Marcos noong Oct. 15, 2023, ang mga paninira sa bise presidente ay posible raw may kinalaman sa pagiging front-runner nito o nangungunang kandidato para sa 2028 presidential election, period!
◘◘◘
SINASAMANTALA YATA NI P-BBM ANG PAGIGING PRESIDENTE PARA MAKAPAG-AROUND THE WORLD -- Ngayong araw, March 11, ang tungo ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM), siyempre kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at iba pang delegado, sa Germany at Czech Republic, at kung bibilangin ay 17 bansa na sa mundo ang binisita ni P-BBM dahil ang mga naunang bansa na kanyang binisita ay Indonesia, Singapore, United States, Cambodia, Thailand, Belgium, China, Switzerland, Japan, United Kingdom, Malaysia, Saudi Arabia, Brunei, Vietnam, at Australia.
Tila yata sasamantalahin ni P-BBM na sa panahong siya ang presidente ng ‘Pinas ay makapag-around the world siya, boom!
◘◘◘
MALAMANG MA-BASH ULI NG NETIZENS SI P-BBM KASI LIMOT NA NGA NG MAMAMAYAN ANG SABLAY NIYANG PRAMIS NA P20 PER KILONG BIGAS, IPINAALALA PA NI CONG. SALCEDA -- Sabi ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na kung malilinis o mawawala lang daw ang corruption sa National Food Authority (NFA) ay may pag-asang matupad ang P20 per kilo ng bigas na campaign promise ni P-BBM noong nakaraang 2022 election.
Limot na nga ng mamamayan ang sablay na P20 per kilong bigas na campaign promise ni P-BBM, eh, ipinaalala pa ni Cong. Salceda, at dahil d’yan ay asahang iba-bash na naman ng netizens ang Presidente sa pagkabigo nitong matupad ang pangako niyang P20 bigas, period!
◘◘◘
KUNG SI SEN. DELA ROSA PA ANG PNP CHIEF, HINDI NIYA IPAHUHULI SI PASTOR QUIBOLOY KAHIT MAY PAGLABAG ITO SA BATAS, KASI PANIWALA NIYA ‘ANAK ITO NG DIYOS’-- Sa bibig mismo ni former PNP chief, Sen. Ronald Dela Rosa na naniniwala raw siyang “son of God” daw si Pastor Apollo Quiboloy kaya hindi raw kapani-paniwala ang mga alegasyong rape, child sex trafficking, sexual abuse at iba pang kasong inaakusa sa pastor.
Buti na lang hindi na PNP chief si Sen. Dela Rosa, kasi kung siya pa ang head ng kapulisan ay malamang kahit na may mga gawing labag sa batas si Quiboloy, hindi niya ito ipapahuli kasi nga ang paniniwala niya ay “anak ng Diyos” ang pastor, boom!





Comments