"Hindi ako nakapag-adjust sa laban, I did my best, I apologize"
ni Gerard Arce - @Sports | August 23, 2021

Hindi naman nakasisiguro sa magiging sunod na plano sa mundo ng boxing si Manny Pacquiao, na huling beses na natalo sa isang kontrobersyal na laban kay Australian Jeff Horn noong Hulyo 2017 sa Brisbane, Australia para sa WBO title ng Filipino boxing legend.
“It was a hard time, making an adjustment about his style and I think that was the problem for me because I didn’t make an adjustment,” wika ni Pacquiao sa naturang post-fight interview. “I don’t know. Let me rest first and relax and make a decision if I fight again,” dagdag ng 4-time welterweight champion hinggil sa susunod na plano niya sa kanyang karera sa boxing.
Paboritong mananalo si Pacquiao na tangan ang 4-1 sa mga pustahan sa online gaming, na siyang tinitingnang maaaring huling laban nito sa maningning at makulay na boxing career. Isa pa sa mga tinitingnang maaaring sunding yapak nito ang pagtakbo niya bilang Presidente ng Pilipinas na nakatakda niyang ianunsyo sa susunod na buwan. “I will make a final announcement next month and I know that I’m facing big problem and more difficult works other than boxing, but I want to help the people, I want to help them.”
Mula sa simula ng laban nila ay nahirapang maipasok ni Pacquiao ang mga malulutong na suntok nito dahil sa magandang jabs ni Yordenis Ugas na kumana ng 50 sa 234 na binitawan para sa 21.4% kumpara sa 42 sa 475 sa maliit na 8.8% lamang. Naging mas lamang din sa power punches si Ugas na karaniwang dinodomina ni Pacquiao sa 101 na pumasok sa 171 na binitawan ni Ugas para sa 59.1% kumpara sa 88 ng 340 na inilabas ni Pacquiao para sa 25.9%. Samantalang ang kabuuang ibinato na suntok ni Ugas ay pumasok ang 151 sa 405 para sa 37.3% na malayo rin sa 130 sa 815 ni Pacquiao para sa 16% lamang.
“My legs was so tight that’s why it’s hard to move,” paliwanag ni Pacquiao tungkol sa kanyang nararamdaman habang lumalaban. “I’m so thankful to the fans that come here to witness the fight live. I’m really appreciate the effort to come here even despite of this pandemic, you tried to watch it live and I’m sorry that I lost tonight. I did my best and I apologize.”





Comments