Hinangaan ang Brother Son sa SLLP
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 20, 2022
Pinabilib ni Brother Son ang mga karerista matapos nitong manalo sa 2022 PHILRACOM 1st Leg Hopeful Stakes Race noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Sinundan lang ni Brother Son ang nagtatagisan ng bilis sa unahan na sina Pharaoh Bell at Ipolitika. Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce, kinuha na ni Brother Son ang unahan bandang far turn at tuluyan na nitong iniwan ang mga katunggali nang makalamang ng anim na kabayong agwat papasok ng huling kurbada.
Nanaig si Brother Son ng may 10 kabayo ang distansiya sa nasegundong si Tinago Falls, tersero si Ipolitika habang pumang-apat si Pharaoh Bell.
Inilista ni Brother Son ang 1:42.6 minuto sa 1,600 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
"Magaling na kabayo, malaki ang tsansa niyang manalo sa mga stakes races," saad ni Gilbert Fernando, veteran karerista.
Kinubra ni Brother Son ang premyong P900,000 habang nasilo ni Tinago Falls ang P337,500 habang hinamig ng breeder ng winning horse ang P75,000.
Samantala, 7 races ang ilalarga ngayong araw sa pista ng San Lazaro kaya tiyak na maligalig na naman ang mga karerista.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. One of A Kind (2), Spunk Attack (14), Christiano (12)
Race 2. Cash Is King (4), O Sole Mio (3)
Race 3. Bordelle (12), Noir/National Treasure (2/2A), Raxa Bago (6)
Race 4. Batang Cabrera/Eugene Onegin (3/3A), Ninong (2), My Jopay (6)
Race 5. Colonian Supreme (7), Play It Safe (3), Classic Gee/Star Of Kidapawan (5/5A)
Race 6. Palibhasa Lalake (5), Goldsmith (1)
Race 7. Filipino Emperor/Sayaw Kikay (5/5A), Saoirse (10), Fire Council (2)





Comments