top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Hinamon ng DNA ng kampo ni Richard… SIGAW NG NANAY NI SARAH: BAKA MAPAHIYA SILA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2024
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | January 3, 2024





Inakala nga nating sa pagpasok ng 2024 ay magkakaroon na ng closure ang Sarah Lahbati-Richard Gutierrez issue.


Pero tila parang nagsisimula pa lang ang lahat dahil mismong ang mga magulang ni Sarah ang harapan ngayong nagtatanggol sa anak nila.


Kung dati-rati ay usapang kanto lang ang isyu ng pagpapa-DNA diumano sa second child nina Sarah at Richard, aba'y parang nagiging legit item na ito ngayon?


Sinabi na ng nanay ni Sarah na si Esther Lahbati na laging de-bodyguard ang anak every time lumalabas ito dahil sobrang seloso nga ni Richard. Na kesyo imposibleng makapanlalaki si Sarah dahil dito. 


Kaya't ang hamon umanong pagpapa-DNA sa bunso nila ay isang malaking insulto sa kanila. Sey pa nito, "Baka mapahiya sila."


At kung totoo man daw ang isyung babae ang ipinalit ni Sarah kay Richard, mas lalong imposible naman daw na makabuntis ito? 'Yun nga lang, if ever daw na totoo ito, mas dobleng insulto ito sa isang Richard Gutierrez.


Nakakalokahhh, sa samu't saring mga paratang at batuhan ng ganitong akusasyon, mukhang nagsisimula pa nga lang ang lahat this 2024.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page