top of page
Search
  • BULGAR

Hinahanapan na naman ng butas… ABS-CBN, GUSTO PA RING IPASARA NG KONGRESO KAHIT NASA ZOE TV NA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 25, 2020




Ayaw talagang tantanan ng ilang mambabatas ang ABS-CBN.


Ngayong bumabalik na sa free TV ang halos lahat ng programa ng Kapamilya Network (matapos ipasara dahil hindi binigyan ng franchise renewal), hinahanapan na naman ito ngayon ng butas ng ilang kongresista. Hinihikayat naman ngayon ng mga ito ang NTC at BIR na imbestigahan daw ang illegalities kung meron man ang ABS-CBN sa block time deal nila sa Zoe TV.


Unang-una nang nag-react dito ang aktres na si Agot Isidro.


“Sana same energy sa P15 B na nawawala sa PhilHealth…” sey ng beteranang aktres sa kanyang Twitter account.


Simula kasi nu’ng October 10, ang ilang programa ng ABS-CBN ay napapanood na sa Zoe TV — na mas kilala ngayon bilang A2Z Channel — na pag-aari ng evangelical leader na si Bro. Eddie Villanueva.


Hindi raw masaya ang Congress dahil unti-unting nakaka-recover ang ABS-CBN kaya ang target naman ngayon ng mga ito ay kung ano ang napag-usapan ng Kapamilya at Zoe TV.


Last Wednesday, ang new House minority leader na si Joseph Stephen Paduano ay nag-suggest sa Bureau of Internal Revenue at National Telecommunications Commission na imbestigahan ang block time agreement between ABS-CBN and Zoe TV for probable legal and tax issues.


Sa ngayon, wala pang inire-release na anumang statement ang NTC at BIR sa request ng Kongreso.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page