top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hilahan sa Q'Finals ang Batang Pier at Super LPG

BULGAR
Mar 13, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | March 13, 2022



Mag-aagawan sa nalalabing huling pwesto sa quarterfinals para sa ika-8th seed ang Phoenix Super LPG at Northport Batang Pier ngayong araw at kaharapin ang naghihintay na top ranked na Magnolia Hotshots sa 2021 Honda PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nakahanda si Phoenix top gunner Matthew Wright na ibuhos ang kakayahan upang mabuhat ang koponan matapos mapurnada kontra Meralco Bolts noong Biyernes sa bisa ng 90-109 pagkatalo na maging dahilan upang mapadpad sa naturang kalagayan.

Isang sudden death game ang pagdadaanan ng dalawang koponan na masasaksihan sa nag-iisang laro ng 6:30 p.m., kung saan nais bumawi ng 31-anyos na Fil-Canadian guard/forward sa maasim na laro sa 13pts kasama ang 10 assists at 5 rebounds.

Nabigyan pa ng pagkakataon ang Phoenix na makapasok sa quarterfinals ng mapurnada ang pagnanais ng Batang Pier na makuha ang siguradong 8th spot nang palubugin ng TNT Tropang Giga sa overtime sa 101-106 at biyayaan ang kalaban na makakuha ng twice-to-beat advantage sa No.3 spot.

Isinalba ni rookie superstar at top contender sa PBA MVP na si Mikee Williams ang panalo para sa TNT nang isalpak ang 8 puntos sa additional period sa kabuuang 28pts para pangunahan ang TNT sa 5th straight win, habang tinuldukan ang limang sunod na panalo ng Northport na pinagbidahan ni Jamel Artis sa 39pts at 13rebs.

Ang mananalo sa Phoenix at Northport ang haharap sa No.1 na Magnolia Hotshots sa quarterfinals na may tangang twice-to-beat advantage. Makakatapat naman ng No.2 NLEX Road Warriors ang No.7 Alaska Aces, No.3 TNT kontra No.7 Brgy. Ginebra at No.4 Meralco Bolts at No.5 San Miguel Beer. Laglag na ang Blackwater Bossing, Terrafirma Dyip at Rain or Shine Elasto Painters.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page