Higit 6k pasahero at 800 rolling cargoes, stranded dahil sa bagyong Aghon — PCG
- BULGAR

- May 26, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | May 26, 2024

Ipinaalam ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi bababa sa 6,000 pasahero at 800 rolling cargoes ang na-stranded nitong Linggo dahil sa bagyong Aghon.
"The PCG monitored 6,338 passengers, truck drivers, and cargo helpers, 26 vessels, 14 motorbancas, and 875 rolling cargoes STRANDED, while 76 vessels and 21 motorbancas TAKING SHELTER in Northeastern Mindanao, Bicol, Eastern Visayas, and Southern Tagalog regions due to #AghonPH," saad ng PCG.
Ayon pa sa kanilang advisory, ang mga na-stranded mula 12 a.m. hanggang 4 a.m. nitong umaga ay nasa mga daungan ng Northeastern Mindanao, Bicol, Silangang Visayas, at Southern Tagalog.




Comments