Higit 500K doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, dumating na sa bansa
- BULGAR
- Dec 17, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | December 17, 2021

Dumating na ang karagdagang 556, 500 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno, nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa state media na PTV, lumapag ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ayon sa pag-aaral, ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine ay nagbibigay ng 70% protection laban sa Omicron infections sa South Africa.
Base sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, nakapag-administer na ang Pilipinas ng 99,139,602 doses as of December 15.
Lumabas din sa tala na nasa 42,576,087 Filipinos na ang nakatanggap ng second dose or single-dose COVID-19 vaccines.
Samantala, nasa 932,197 naman ang nakatanggap ng additional dose ng COVID-19 vaccines.
Comments