Higit 4K na bagong kaso ng HIV, naitala sa ‘Pinas noong Q4 2025 — DOH
- BULGAR

- 11 hours ago
- 1 min read
by Lester Bautista @News | April 18, 2026

Photo: File
Newly reported HIV cases
May 4,277 na bagong naiulat na kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) para sa ikaapat na quarter ng 2025, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).
Batay sa report, karamihan sa mga kaso ay mga lalaki na pasyente na may 4,038 habang mayroon lamang 239 na mga babaeng pasyente.
Nasa 45% ng 1,929 kaso ay bumubuo sa pasyenteng may edad na 25 hanggang 34 taong gulang, na sinusundan ng 15 hanggang 24 taong gulang na may 32% o 1,361 na kaso.
Ang nakakabahala ayon sa DOH ay mayroong 15 mga pasyente na wala pang 15 taong gulang.




Comments