High Speed Hitters sa PVL nakatikim ng unang panalo
ni Gerard Arce - @Sports | March 24, 2022

Nakamit ng PLDT High Speed Hitters ang kanilang unang panalo sa pagpapa-agos sa Balipure Water Defenders sa pamamagitan ng 3-0 panalo via 25-20, 26-24 at 25-22 kahapon para madale ang paniguradong 3rd spot sa Pool B sa nalalapit na pagpasok ng quarterfinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Paco Arena Events & Sports Center sa Maynila.
Bumida para sa High Speed Hitters si Mika Reyes na gumawa ng 11pts sa (7 attacks at 3 blocks), habang humalili sa kanya si Rose Basas at Dell Palomata na kapwa may 8 puntos, samantalang may 18 excellent digs at 6 excellent reception si Kath Arado at 14 excellent sets si Rhea Dimaculangan.
“To be honest mahirap yung galing ka sa dalawang pagkatalo, pero pinatunayan ng tean na gusto naming manalo na hindi pa huli kahit naunahan ng poagkatalo ay gustong manalo pa rin ng team,” pahayag ni Reyes. “Alam namin na hindi magiging madali yung laban namin sa kabilang pool kase nakita naman namin na very motivated din sila at gustong manlo, but we need to adjust everything and kailangan mas magpursige pa.”
Nagtala naman ng 13pts para sa Water Defenders si Janine Marciano (11 attacks) at 10pts at 12 excellent digs kay Jhoana Maraguinot na walang nakuhang panalo sa Pool B.
Maagang humataw ang High Speed Hitters ng 12 atake kaantabay ang 5 blocks sa pamumuno nina Reyes, Samonte, Soyud, Basas at Dimaculangan para sa 25-20 pananaig sa unang set. Gayunpaman nagtamo ng maraming errors ang Heavy Hitters sa 9 kumpara sa 7 lamang ng Water Defenders.
Nagawang maitakas ng High Speed Hitters ang second set ng magkaroon ng sunod-sunod na errors ang Water Defenders lalo na sa dulo ng second set para makuha ang 26-24 panalo sa pagtutulungan nina Reyes, Toni Rose Basas, Heather Guino-o, Dell Palomata at Jules Samonte.





Comments